United States or Albania ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Na ang m~ga pagpintás na guinagawâ n~g m~ga taga Europa sa nan~gagcacaiba't ibang m~ga lahing may culay (ang m~ga caymangui, maitim, marilaw ó abo-abó) ay hindî mabigyang caliwanagan sa isáng matibay na catowiran; cayâ silá nagcacagayo'y dahil sa talagang handâ na ang caniláng calooban sa dî paniniwalâ, at dahil naman sa canilang pagcaisip na sila ang nauucol macapangyari sa m~ga láhing hindî mapuputî. Talastas n~g lahát na nan~gan~ganib ang m~ga lahing may culay na baca sila'y pawaláng halaga n~g lahing putî, at sa ganitong dahil, cung sila'y naglilingcod sa m~ga taga Europa ay malaki ang sa canila'y ikinalalamang, at bucod sa rito'y sa pagca't pinagwawárì na hindî magagamit ang lahing may culay sa m~ga linilimbag. Datapwa't cung paglilinin~gin, ang m~ga lahing may culay na canilang tinutucoy ay m~ga táong totoong timáw