United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang iinumin n~g maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang isang dacot na bigas ó palay; at pupurgahin nang bilin sa número 11 ó sa número 23. Ang gamot sa nagcasaquit dahil sa siya,i, natacot. Ang man~ga sangol at ang man~ga babaying nan~ganac, ay marahil magcasaquit dahilan sa pagca sila,i, natacot.

Cun pinupurga ay houag pacanin nang carne,isda, ó itlog. cundi canin lamang, ó tubig na pinaglutuan nang tinapay. Maigui doonan sa sicmura nang basahang babad sa alac na pinaglagaan nang romero at canela. Masama sa gayong maysaquit ang siya,i, malamigan lalo pa cun gab-i, sapagca ang saquit ay mag-uuli.

Ang iinumin parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay, na ang anim na vaso ay dinoroonan nang timbang cahati nang bilin sa número 10. Na-aari namang ipainom na parati sa maysaquit cun ualang iba ang limonada.

Mabuti rin ang pag-inom touing umaga nang café, ayon sa turo ni Linneo Maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang ugat at dahon nang salay ó tanglad.

Nangguiguilalas ang doctor de Espadaña sa m~ga cabisaan n~g jarabe de altea at n~g pinaglagaan n~g liquen, m~ga panggamot na hindi binabago.

Ang tubig na pinaglagaan nang culantrillo ay maiguing inumin.

Nang mamatay ang man~ga ood sa man~ga sugat, ay bumayo ca nang payangpayang, samahan mo nang apog at dahon sariua nang tabaco na pauang binabayo bago itapal. Totoong galing naman sa man~ga gayong sugat ang hugasang parati nang tubig na pinaglagaan nang hagunoy, bago tapalan n~g dahon din nang hagunoy na binayo.

Cun hindi macabili ang maysaquit nitong m~ga bagay na ito,i, ang turo sa nota n~g número 11, yaon ang gauin; at cun ualang hojas de sen ang timbang cahating dahon nang acapulco na patutuyoin muna sa arao ay magaling din; datapoua pag napainom ang maysaquit nitong m~ga bilin dito sa nota, ay cailan~gang painumin pa n~g tubig na pinaglagaan n~g culutan.

Bucod doo,i, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na sinamahan nang lan~gis at pula nang itlog nang manoc. Cun bago malubha, ó mahirap ang lagay nang maysaquit, ay mabuti sangrahan. Datapoua cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin, cundi sungmusuca lamang, ay lilimitan ang pagsumpit houag lamang lag-yan nang pula nang itlog. Magaling ding pambohan ang maysaquit sa malacucong tubig.

Salita Ng Araw

isaisang

Ang iba ay Naghahanap