United States or Iceland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ualang tinapay, na-aari ang linugao at ang basabasa. Masama ang harina nang trigo, sapagca hindi pa luto sa apoy. Mapacacain naman ang maysaquit nang man~ga bun~gang hinog nang cahoy, di man lutuin; datapoua,t, ang hilao pa hindi sucat ipacain sa tauo, cundi pacalutuin muna sa tubig.

Ang caniyang cacanin lamang ay ang tinapay na durog, na isinama sa tubig na mainit, ó linugao cun ibig niya. Ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa número 2. Cun ang sibol ay nacaputoc na, ay itinutuloy ring guinagaua itong lahat na turo co n~gayon, pati nang pagcuha nang dugo na gagauin doong palibot sa sibol. Saca guinagamot ang sibol para nang sasabihin co sa párrafong isusunod co dito.

Cun baga malaqui ang lagnat, pati nang pagsaquit nang bibig, at mahirap ang paglon-oc ay sasangrahan sa camay ang maysaquit. Ang ipacacain doo,i, ang linugao.

Cun totoong cailan~gan ang pagsasangra, nang magyaring cunan nang maraming dugo; saca gagauin ang man~ga bilin sa párrafo 272 na sinundan nito; bucod dito magaling sumpitin arao-arao ang bilin sa número 5 ó 6 Cun ang saquit ay nadoroon sa dibdib, ó sa tiyan, ó sa bay-auang, ó sa ibang lagar na masama, ay houag pacanin ang maysaquit nang anoman, cundi painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang palay, ó linugao lamang.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap