United States or Bulgaria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa saquit na sinaysay sa párrafo 272, ay magaling ang dalauang dacot na ruda, ang isang dacot at calahati nang bulaclac ó dahon nang romero, at ang isang gayon ding bulaclac nang gumamela, na lulutuing maigui nang sumandaling oras calauon sa tatlong tagayang alac sa misa sa palioc na may taquip; bago pigain nang malacas.
Saca cun nacalalo ang ilang arao, ay sungmasama uli ang pagcaramdam, at ang pulso,i, tungmitigas; cun gayo,i, cailan~gang sangrahang uli. Cun ang nasactan ay tauong matanda na, cun siya,i, malacas pa, at marugo, ay cailan~gang sangrahan, nang macunan n~g ga timbang tatlo, ó apat na pisong dugo. Ang ipaiinom doo,i, ang bilin sa párrafo 272.
Cun totoong cailan~gan ang pagsasangra, nang magyaring cunan nang maraming dugo; saca gagauin ang man~ga bilin sa párrafo 272 na sinundan nito; bucod dito magaling sumpitin arao-arao ang bilin sa número 5 ó 6 Cun ang saquit ay nadoroon sa dibdib, ó sa tiyan, ó sa bay-auang, ó sa ibang lagar na masama, ay houag pacanin ang maysaquit nang anoman, cundi painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang palay, ó linugao lamang.
Saca pag nacalabas sa silid, at salang mahan~ginan, siya,i, sinisipon pa mandin. Mayroon namang tauo, na dahil sa calacasan nang pag-uubo pungmuputoc ang man~ga ugat mumunti nang mata at tila nanhihinola ang bubong nang mata. Ang mabuti roo,i, basaing parati yaong hinola nang tubig na sinucaan, para nang guinagaua sa párrafo 272.