United States or New Caledonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa saquit na sinaysay sa párrafo 272, ay magaling ang dalauang dacot na ruda, ang isang dacot at calahati nang bulaclac ó dahon nang romero, at ang isang gayon ding bulaclac nang gumamela, na lulutuing maigui nang sumandaling oras calauon sa tatlong tagayang alac sa misa sa palioc na may taquip; bago pigain nang malacas.
Maigui rin ang tapal nang cicuta, na cun bibilhin sa botica, ang hihin~gin doo,i, emplasto de cicuta. N~guni madali namang itapal ang isang caputol na dahon nang talampunay na yaon ay casing galing nang cicuta, ayon sa turo ni Linneo. Ang cicutang tuyo ay isisilid sa isang unan, ó supot na munti; saca lulutuing sumandaling oras calauon sa tubig, bago pigain at itapal.