Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 22, 2025


Itong gamot na ito,i, itinutuloy hangang mauala ang pamamaga nang catauan. Ang ungmiinom noon ay ungmiihi nang marami, at yaon ang nacacauala nang pamamaga.

Cun baga caya hindi macahin~ga ang maysaquit, ay dahil sa mayroong naninicquit na man~ga malalagquit doon sa caniyang baga, na caya nahahalatang gayon, ay sapagca siya,i, dating masasactin, ó mahina, ó hicain siya, ó nananab-ang ang pagcain, ó ang quinacain niya ay ang man~ga ualang sustancia, ó siya,i, ungmiinom na parati nang mainit na tubig, at bucod dito ang caniyang pulso,i, munti malambot, at siya,i, namumutla; ang gagauin doo,i, gayon.

Ito,i, aral ni Buchan. Ang tauong sinisipon, na hindi nagbabauas nang caniyang pagcain, at ang ungmiinom lamang nang mainit na tubig, ay guinugulo niya ang sicmura; ang pag-uubo ay hindi mauaualang hamac cun gayón, at siya,i, ooui sa calagayan sinaysay co sa párrafo 82.

Sa man~ga sasabihin co n~gayon mahahalatang marugo ang may catauan; sa macatuid: Cun siya,i, malacas cumain; cun siya,i, cungmacain nang maraming carne, ó ungmiinom nang alac; cun hindi sungmasama ang damdam nang caniyang sicmura; cun mahaba ang caniyang tulog, cun hindi siya binabalin~goyn~goy, ó hindi binubusan ó pinananaugan nang maraming dugo. Cun gayo,i, marugo ang may catauan.

Caya marahil magcasaquit nang gayon ang nahirapang totoo nang pag-gaua nang mabig-at na gaua; ang nainitan nang malaqui, ang cungmacain nang man~ga mainit ó man~ga bun~ga nang cahoy na hindi magulang, at ang ungmiinom nang tubang maasim. Cun minsan naman ay dala nang masamang pag-gamot sa ibang bagay na cólico.

Ang pinalo nang malacas, ó nahulog, ó sinicaran nang hayop ang mayroong nararamdamang bucol sa tiyan, ó sa bituca, ang napupuyat, at tuloy ungmiinom nang maraming alac; ang ungmaabay sa maysaquit, na dahil doon siya,i, nasalinan nang caniyang saquit.

Ang isa pang iquinasasama nang catauan nang tauo,i, ang pag-inom nang alac. Ang tauong totoong ungmiinom nang alac, maraling tumanda; cun minsan hinihica, ó namamaga ang dibdib at nagcacasaquit nang bagaybagay na saquit, na maliuag mauala, sapagca hindi matablan nang gamot ang caniyang payat na catauan.

Ang nagcacasaquit nang gayon hindi sucat big-yan nang triaca, cordial, castol, ruda , at nang man~ga bagay na nacacapagpapauis. Ang tauong ungmiinom nang tubig na malamig, capagca siya,i, totoong nainitan, ay marahil magcasaquit nang pleuresía ó sintac; at mayroon cun minsang tauo, na pagcainom mandin, namamatay.

Salita Ng Araw

nagkapalit

Ang iba ay Naghahanap