Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 1, 2025
Ah, Magdalena, ang patuloy na sabi ni Ernesto, kung ako ang palaring magkaroon ng isang tulad mo na magiging kabiak ng puso, kung ako ang magkakaroon ng pag-ibig ng isang Magdalena, marahil, ang aking mga tula ay lalong pupurihin, at kaiingitan ng mga may maruruming puso. Ernesto, ako man ay gayon din.
N~guni't ang kaniyang kinahihimalin~gang basahin ay yaong m~ga aklat na nakapagtuturo n~g kabayanihan, tulad n~g Kasaysayan n~g himagsikan sa Pransiya, "Las Ruinas de Palmira," "Los Miserables," ni Victor Hugo, "El Judio Errante," Biblia, ang m~ga, aklat ni Rizal at ibá pa. Siya'y mahiliging totoo sa pagbabasa. May m~ga gabing halos di nakakatulog sa pagbabasá. 10. =Siya ba'y nagkaasawa?= Oo.
Bagaman hindî nacararating dito sa Filipinas ay malaki pa marahil ang pagcakilala niya sa lupaing ito at sa m~ga tagarito cay sa maraming nagpapangap na nacacakilalang lubos sa sangcapuluang itó . Sinasabi ni Blumentritt na nagtamo siya n~g isa sa m~ga casayahang lalong malakí, n~g makita at mayacáp niya si Rizal. Nag-ibigan siláng tulad sa tunay na magcapatid, at hindi sila nagpupupuan.
Ang tin~gin ni Elsa at titig ni Teang ay nagkasagupang tulad sa dalawang sandatang nagkapingkian sa laot n~g paglalamas; dapwa't laban sa katan~giang likas sa isa't isa, sa pagkakapingking iyo'y si Elsa ang napipilan wari't siyang nagbaba n~g tin~gin, pagkapalibhasa'y may nabasa siya mandin sa m~ga balintataw ni Teang na isang katotohanang kinasilawan niya: ang katotohanan n~g pagkapariwara n~g lahat niyang pagasa.
Kinikilala n~gang yaong man~ga duc-ha ay tungcol cay Jesús yaong pagpapala, ang pag-ganting ualang macahalimbaua ay tulad sa isang dakilang biyaya. Duc-ha man siya,i, di ibig pagsabihan n~g uica ni Jesús na ganitong saysay, aco,i, nagugutom ay di mo binigyan n~g pagcai,t, hubad aco,i, di dinamtan.
Nilimot na niya ngayon ang lahat ng kanilang naging palad ni Leonora. Nilimot niya at ngayon ay aanhin niya ang isang babaeng tulad ni Leoning na siyang sanhi ng pagpapakamatay ng unang nakaisang palad? Aanhin niya ang isang babaing walang iisang tibukin ng puso?
Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.
Ang sakít na "cancer" ay tinatawag na "Noli me tangere," na ang cahuluga'y "Howag acong salan~gín nino man;" sapagca't cung laplapin at hindi macuhang maalís na lahat at may matirang cahi't gagahanip man lamang ay nananag-ulî at lalong lumalacas ang paglaganap, tulad sa inuulbusang halaman, damó ó cahoy na lalong lumálacas ang paglagô, at pagcacagayo'y lalong nadadalî ang pagcamatay n~g may sakit.
Tanang bagaybagay nang maibalita ay naghiwalay nang kapuwa may luha na tulad sa isang buhay ang nawala at bató nang dibdib ang hindi maawa. Nang dumating doon sa torre ang Dama usap ay sinabi doon sa Princesa ay lalong lumala ang sa pusong dusa at ang dalamhating di sukat makaya.
Nang di makalaban sa tapang nang alak sumuraysuray na't ulol ang katulad ang isang pesetang sa kamay ay hawak doon sa tindaha'y siyang ibinayad. Lumakad na siya na hahapayhapay masulong maurong doon sa lansan~gan nang di makakaya ang lunong katawan nalugmok sa lupang tulad sa may damdam.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap