Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Hulyo 7, 2025


"Patawarin ang nagkakasala at ipagparaya ang nagkukulang" ang aral na itinuturo n~g Kapisanang kanyang kinaaaniban; at malalabag na lamang sa itinuturo n~g aral na iyan ang paguusig sa babaeng kusang tumaliwakas sa kadakilaan n~g sumpa, ang yumurak at gumutay sa kahalagahan n~g pan~gako.

¿Teang, ano ang nangyari sa iyo? ang patakang tanong n~g manang, samantalang ipinan~gan~gamba sa sarili ang pagkabaliw n~g anak, ayon sa ginawang pagyakap sa lalaking itinuturing na asawa ni Elsa. ¿Bakit naparito ka? ¡Naku, bunso ko!... Nagbalik na naman sa bisig n~g ina ang abang si Teang. ¡Ina ko! ¡Patawarin ninyo ako!...

Ang panunun~gayaw ay inaaring malaking sala lalonglalo na kung sa mayaman, sa matanda ó sa babae, at pinarurusahan n~g isang gayong halaga ó kung dili ay pagkaalipin. At kung ang tinun~gayaw ay pan~gulo ó maginoo ay kamatayan ang parusang inilalapat, malibang patawarin na kung gayon ay pagkaalipin na lamang.

¡Ano't ganito na ang pasan kong hirap! ¡Ano't ganito na ang aking pan~garap! Ang lahat n~g bagay ay napatatawad, ¿Patawarin kaya ang imbi kong palad? Gabi-gabi ako'y hindi matahimik Na parang sa aki'y mayrong nagagalit, Ang pasan kong sala'y laging umuusig Sa kabuhayan kong di man managinip.

Elsa, sa dakong iyan n~ga may bagay na dapat tayong kilalanin: na ang pakikipagtalik sa babae, kung minsan, ay nagiging paglalaro n~g apoy at sa ating pagkikilala ay sinasabi ko sa iyong ako ... ay nadarang, nasalab, napaso. Dahil dito'y patawarin mo n~ga ako, at sa lahat at lahat ay pinatatawad naman kita.... Ganap nang naglaho ang tanang namamalas n~g m~ga balintataw ni Elsa.

Nalalaman ninyo kung bakit? Pagka't ang isa sa mga iyon ay ang iná ni Angela na nang makita ako, ay nagturing na kasabay ang iyak at yakap sa akin; "Dario, patawarin mo ako sa pagkakalait sa iyo: iligtas mo ang aking mahal na Angela. "Nang marin~gig ko ang kanyang sinabi ay itinanong ko ang sanhi ng kaniyang, mga sinabi at noon din nga ay isinalaysay ni Da.

¡Patawarin mo ang aking m~ga pagkakamali! ¡Limutin mo ang aking m~ga pagkukulang! ¡Oo, Tirso, inaamin ko ang pagkabulag n~g aking paniwala at ang pagkapatun~go ko sa ligaw na landas! ... ¡Minarapat kong tumalikod sa layaw n~g mundo at sampu n~g sumpang isinangla sa iyo ay aking hinamak, sa pagaakalang kabanalang dakila itong aking pinagsakitang marating!

Nanglúlumo si Ibarra. Nagpatuloy si María Clara: ¿Anó pa ang nálalabi sa akin? ¿masasabi co ba sa iyo cung sino ang aking amá, masasabi co ba sa iyong humin~gi ca sa canyá n~g tawad, sa iyó pa namáng anác n~g pinapaghirap niyá n~g hindi cawasa? ¿masasabi co ba sa aking amá na icaw ay patawarin, masasabi co ba canyáng acó'y canyáng anác, acó pa namáng pinacahan~gadhan~gád niyá ang aking camatayan? ¡Walâ na n~gang nálalabi sa akin cung hindi ang pagtitiis, in~gatan co sa sarili ang lihim at mamatáy sa pagpipighati!... N~gayón, caibigan co, n~gayóng nalalaman mo na ang buhay n~g iyong abang si María, ¿mangyayari pa bang maidulot mo pa sa canya iyáng pagpapawaláng halagáng n~giti?

Ayon sa aking panagimpan, ang pasimulang pagsasalita ni Kadiliman, ako'y dinalaw n~g m~ga kalulwa nila Burgos, Zamora at Rizal at ako'y pinan~garalan at ganitó ang pan~garal na sa akin ay sinabi: ¿Bakit mo tinatakpan ang matá n~g ating m~ga kababayan, n~g ikaw lamang ay maluklok sa trono n~g panunungkol? ¿Hindi ba nan~gan~galisag ang iyong m~ga balahibo, na sa tatlong daang taong mahigit, na pinagharian n~g kadiliman ang ating bayan, na siyang dahil n~g pagkakalupasáy sa hirap n~g m~ga bálo't ulila n~g dahil sa kanya'y pag-ibig, at n~gayo'y siya mo pang uululin? ¡Ay asawa ko! ang pabuntong hini~ngang sabi ni Kadiliman, samantálang ito'y itinatanong sa akin n~g m~ga kalulwa ay tinatalian ang aking m~ga paa't kamay, at siyang pagdatal n~g m~ga demonyo na buhat yata sa Infierno at ako'y kinakalawit at pinapandilat ang m~ga matá nabinubukalán n~g mistulang apoy, at gayari ang sa akin na ipinagturing: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! sasama ka sa amin n~gayon din, sapagka't ang kalulwa mo'y na sa amin n~g kaharian, dahil sa sala mong magsisisúnod: Una. ikaw ang nan~gakong kukunin mo ang independencia pag ikaw ang naging punô; ikalawa, madalas kang bumili n~g botos, ito'y nalalaban sa kautusan n~g Diyos at kautusan n~g tawo; ikatlo, ikaw ang nangagahis sa layâ n~g tawo, ikaapat at huli, ikaw ang nagnanais na kung ikaw ang naluluk-lok sa panungkol, daragdagan mo pa n~g lalong hirap ang iyong kababayan, kaya't ang kahariang ito'y hinatulan ka n~g kahit ang katawan mo'y buhay, dapat ang kalulwa mo'y kunin namin at dalhin sa bayang Infierno, kilanlin mo: LUCIPER HARI SA INFIERNO, matapos na sa aki'y masabi ang m~ga kahatulang ito, kinalawit ako n~g dalawa at sasaksakin ni Luciper naman ang aking puso, dahil sa siya daw ay may kabulukan, ako'y napasigaw n~g ... patawarin ninyo ako't hindi ko nalalaman ang aking ginawa, siya kong pagkagising; kaya asawa ko, yayamang wala na din lamang akong sukat ikaguinhawa dito sa lupa at doon man sa lan~git, ako sa iyo'y nagpapaalam, niyakap ni Kadiliman si Lolay at sakâ sinungaban ang sundang na nasa kanyang lapit, at saka nagsalita: Ang kalulwa ko'y nasa infierno na, ang katawan ko'y nandito pa sa lupa; n~guni't naubos na ang aking man~ga kaibigan mulâ n~g ako'y maghirap, ¡mabuti! ¡¡¡magpatiwakal!!! umakmang sasaksakin ang kanyang dibdib, napasigaw si Lolay n~g: ¡Asáwa ko! at pinigilan ang kamay na may sungdang, hwag ka anyang gumawa n~g ganyan dahil sa walang ibang gumawa niyan kungdî si Judas lamang, na nagtakal kay Cristo sa halagang tatlong pung..... salapi kaya't walâ kang mabuting gawin, yamang nakilala mo na ang hari sa infierno at ang gawa ni Judas, dapat layuan ang m~ga bagay na iyong ninanasa, dahil sa ito'y hindi mabuti; at walang mainam gawin tayo kundi ang magtrabajo, magpapatak n~g pawis, umibig n~g tunay na pag-ibig sa bayan kinamulatan, yayamang ang bin~ging kaliwanagan na ibininhî n~g m~ga mártir sa sarili, ay siyang mapan~gan~gatigang tanglaw na maliwanag, upang tumun~go sa landas n~g ligaya.

Salita Ng Araw

botánica

Ang iba ay Naghahanap