United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Doo'y walang gabi ang saad sa aklát wala namang araw, buang sumisikat ang kapangyarihan n~g Dios na wagás ay labis sa madláng tanglaw na liwanag. Naroon din nama't iyong makikita ang luklukang hayag n~g Vírgen María alay ang maraming puri't pagsasayá n~g m~ga Vírgenes sa payapang Gloria.

Halimbawá baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anak ñg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Paniñgasin nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusá at huag patain, dala ñg pag-asa sa ilaw ñg iba, kundí magtulongtulong magsangunian, sa paghanap ñg daan. Ulol na di hamak at masisisi ang madapá sa pagsunod sa ilaw ñg iba, at masasabi ng ama: "bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?"

Ñguni't lubhang masisisi ang madapá sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim, ó kayá ay totoong masamá ang daan. Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palaló ang katiwalá sa sariling bait; sa akalá ko ay lalong palaló ang ibig sumupil ng bait ng iba, at papanatilihin sa lahat ang sarili.

Nang nag-aagaw gising sa pagtulog si Kadiliman ay nanaginip na siya'y linapitan n~g Kaluluwa n~g isang Frayleng may taglay na lubid na kabo-negro, at nagsalita n~g: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! magsisi ka na n~g iyong m~ga kasalanan, ako ang biyenan mong iyong ipinan~gan~galandakan n~g sama, kaya't ang mamanahin mo na lamang ay ang aking solar at bahay, huwag na ang aking kasamaan; tinatalian sa paa si Kadiliman n~g kabo-negro, samantalang sinasabi ang salitang ito; sumagot si Kadiliman n~g binabatak ang hinin~ga, nagsisisi na po ako Papá, lumayo ka na lamang sa akin at siyang paglapit n~g m~ga kalulwa ni Rizal, Burgos at Zamora, taglay ang tig-isang ilaw, lumapit sa kanang dako n~g kinahihiligan ni Kadiliman, ayon sa kanyang panaginip at nan~gagsabing: ¿Hindi ba iniwan namin sa Pilipinas ang iba't ibang tanglaw upang pagliwanagan ang napadadalá pa sa ulap n~g kasamaan? ¿Bakit ipinaghahanap buhay mong palagi ang aming n~galan? magsisi ka at malapit n~g pumanaw ang buhay mo Kadiliman; siyang pagdating n~g tatlong demonyong naglalakihan ang sun~gay na may m~ga taglay na sibát at inaasintá ang puso ni Kadiliman, saka nan~gagsalita n~g ... sapagka't masamang budhî ka sa iyong m~ga kababayan at madalas mong ululin, ang puso mo ang aming sisibatín, inakmaan n~g sibát, hindi pa halos umaabót sa dibdib ni Kadiliman ang saksak ay napasigaw n~g: patawarin ninyo ako't di ko nalalaman ang aking ginawa; siyang pagkagising ni Kadiliman at humin~ n~g tubig sa asawang nalulunos, kumuha kapagdaka si Lolay at pinainom ang kaawa-awang maysakit, n~g matapos makainom, tinanong ni Lolay n~g: ¿Anong nangyayari sa iyo't ga ikaw ay naghihinagpós? ¡Oh asawa ko! ang naitugon, kakila-kilabot na bun~gang tulog ang sa aki'y dumalaw, panaginip na nagbigay gambala sa ating sinasaad n~gayong pagdaralita.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap