Nanaginip ka yata, ang wika pa n~g matandang iyong ale ni Elsa, samantalang ang mamang nama'y napapatun~gan~gang hindi makaimik. Nagitla si Tirso sa gayong sinabi. ¿Bakit kaya't nalalaman yata n~g matandang iyon ang panaginip niya? ¿Binigkas kaya niya n~g malakas ang tulang maliwanag pang nalilimbag sa kanyang pangtanda? ¡Oh, baka narinig na ni Elsa ang pagkakabanggit niya sa n~galan ni Teang!...

Si Kadiliman ay nakahigâ sa isang katren pinamutihan n~g maraming hiyás, may mesang mabilog sa tabi nito, ilawan n~g mayaman sa pagtulog at lubhang matahimik ang anyo n~g gabi na halos inaagaw n~g umaga ang pagbubukang liwayway, n~g si Kadiliman ay nanaginip n~g gayari: Lumayo ka, ang sigaw ni Kadiliman na halos binabatak ang paghin~ga.

Hindi kitá malalayuan, ang sagot n~g makatâ, ayon sa kanyang nanaginip, sa dahilang ito ang aking panata, at sinalaksak si kadiliman n~g pluma ó panitik sa mukhang matagihawat; dinugtun~gan n~g wikang: Huag mong wikain Kadiliman na ang aking panitik ay padadalá sa sulsol, gaya n~g iyong akala; ah; alibughang asal, sinaksak na naman n~g panitik sa mapulang puti n~g matá si Kadiliman, siyang pagkagising ni Lolay at ginising ang Kadiliman nating binaban~gun~got sa kasamaan niyang taglay.

Wala, kumare, nanaginip lamang pala ako. Para ko bang nakitang ang anak ko'y nilalapitan n~g tatlong lalaking may sun~gay. Panaginip n~ga lamang iyan; matulog na kayong muli. Nang hindi na tugunin ang ganitong saad ay itinanong naman ni Elsa sa kanyang ale: ¿Sino, tia, ang matandang iyon? ang bulong. Si kumareng Magda, paanas na sagot n~g itinanong. ¿Si manang Magda? ¿At kailan pa po rito?