Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Hunyo 24, 2025


Ito ang man~ga unang nararamdaman nang quinagat nang asong bang-ao. Ang sungmusunod dito,i, itong iba pa; ang maysaquit ay nauuhao na totoo, at nahihirapan cun ungminom, datapoua cun malauo,i, aayao na siyang uminom, at touing ilalapit sa caniya ang tubig, ó cun naquiquita niya, ó naririn~gig man ang pan~galang tubig ay nasisindac ang caniyang boong catauan.

Palibhasa,i, hindi maquita ang naroroon sa loob nang catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na yao,i, ang init, na may calahoc na siya,i, pinan~gin~gilabutan nang guinao; ang pulso,i, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,i, munti malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang isan~g cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,i, masaquit, at lalo pa ang bay-auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang nacacatahan nang pataguilid; nag-uubo ang may catauan cun minsan, na ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama; mabig-at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc-ha,i, namumula at cun minsan hindi, bagcus nag-iiba sa dati, na cun gayo,i, mapan~ganib ang buhay nang maysaquit; ang man~ga labi, ang dila, ang n~galan~gala, pati nang balat ay tuyo; mainit ang hinin~ga; ang inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,i, marami at hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun minsan ibig niyang sumuca; datapoua,t, hindi sucat big-yan nang pasuca, at mamamatay cun pasucahin.

Ang maysaquit ay dungmaraying, na mainit na totoo ang caniyang tiyan; cun minsan ang inaiilaguin niya ay malabnao, cun minsan hindi manabi; at cun baga bucod dito siya,i, sungmusuca pa, ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang muc-ha,i, pungmupula; ang tiyan ay namamaga, at salang hipoin, ay sungmisigao ang may catauan; bucod dito ay nauuhao na parati.

Dito sa saquit na ito ay ualang lagnat; ang may catauan ay hindi nauuhao; ang tiyan ay lungmalaqui, datapoua,i, hindi tungmitigas; cun idiniriin ang tiyan, ó hinihilot, ay gungmagala sa loob ang han~gin, at lungmalabas sa bibig ó sa ilalim. Itong saquit ay dala nang pagcain nang man~ga bun~ga ó man~ga gulay na mahan~gin, para nang saguing, patani etc.

Ang unang namamaga ay ang paa at hita, at hungmahalili ang boong catauan; sa bay-auang mayroong isang tila bucol; ang balat ay ga maguintab, namumutla, at lungmalamig, at hindi lubhang nacacaramdam; ang paghin~ga ay mahirap, at lalo pa cun gab-i, ó cun bagong nacacain; ang maysaquit nag-uubo; hindi pinapauisan; ang pulso ay munti, malalim, madalas at gulo; ang ihi ay hindi luto, at hindi rin marami; ang inaiilaguin ay hindi rin luto, at may dugo pa cun minsan; ang maysaquit ay mahina; nauuhao na parati, at hindi macacain; ang dila cun minsan; ay tuyo.

Ang dinaraanan nang frenesí ay nalalagnat; nasisira ang bait; sungmasama ang loob niya, pati nang pagtin~gin, na dahil doo,i, anaqui bungmabagsic; ang pulso,i, matigas, mapula ang muc-ha, ang bibig ay tuyo; hindi macatulog siya nang mahimbing; sa ilong mayroong tungmutulong tubig; mayroon namang tungmitiboc nang malacas doon din sa quibotquibotan at sa liig; ang maysaquit ay hindi nauuhao, baga man tuyo ang caniyang dila.

Pagca nacaraan ang isa, ó dalauang oras, ó tatlo, ó apat caya, ang guinao ay sinusundan nang lagnat na malaqui. Ang boong cataua,i, naiinitan; lungmalacas, at lungmalaqui naman totoo pati at nauuhao pa mandin ang maysaquit; ang ulo niya ay masaquit na totoo pati nang caniyang man~ga catauan.

Doon nauuhao at nahihirapan ang maysaquit, at hindi siya matutong lumagay; at cun malaqui ang saquit hindi macatulog siya, at tila nahuhung-hang; cun minsan ay hilim, at mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang pulso,i, totoong dalas pagca gayon; datapoua cun nauauala na ang pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay hindi na lubhang mapan~ganib ang buhay nang maysaquit.

Caya hindi pa siya gungmagaling-galing bagcus ang lagnat ay para nan~g dati; matulin ang pulso, at cun minsan mahina at malambot; datapoua,t, cun minsan nama,i, matigas, at ga nag-aalon-alon; ang paghin~ga ay mahirap; pinan~gin~gilabutan nang guinao na maminsanminsan; gab-i gab-i lungmalaqui ang lagnat; ang pisn~gi ay mapula; tuyo ang man~ga labi, at nauuhao ang maysaquit.

Salita Ng Araw

masalisihan

Ang iba ay Naghahanap