United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bucod dito,i, cailan~gang sangrahan sa camay, at cunan nang maraming dugo, cun malacas ang may catauan; n~guni cun mahina na siya, ang totoong buti doo,i, ang pacaptan sa linta ang m~ga quibotquibotan; ang isa pang nacacaginhauang agad sa maysaquit, ay ang pagbabalin~goyn~goy; caya cailan~gang sootan ang ilong n~g maysaquit, nang ilang buhoc nang cabayo at guilaogauin, hangan tumulo ang dugo; magaling namang pacapitan sa linta doon sa pouitan.

Ang dinaraanan nang frenesí ay nalalagnat; nasisira ang bait; sungmasama ang loob niya, pati nang pagtin~gin, na dahil doo,i, anaqui bungmabagsic; ang pulso,i, matigas, mapula ang muc-ha, ang bibig ay tuyo; hindi macatulog siya nang mahimbing; sa ilong mayroong tungmutulong tubig; mayroon namang tungmitiboc nang malacas doon din sa quibotquibotan at sa liig; ang maysaquit ay hindi nauuhao, baga man tuyo ang caniyang dila.

Paiinumin nang limonada, ó cun ualang dayap, ang tubig na may sucang caunti ay maigui rin; ang suerong malinao nang gatas, na sinasamahan nang caunting suca ay lalo pang mabuti; itong lahat na painom ay malamig cun inumin. Ang noo, ang quibotquibotan, ó ang boong ulo,i, lalag-yan nang basahang babad sa tubig na malamig.

Cun ualang tubig, ay ilalagay nang parapa ang tila patay doon sa muthaan; at sa tapat nang muc-ha niya, ay maigui ang pag-gaua nang isang hucay na munti, ganga bao calaqui, sapagca mabuti doon sa gayon ang sin~gao nang lupa. Pagca nasaol-an na ang tila patay, ay babasain nang suca ang caniyang quibotquibotan, ang mata, pati nang ilong; at palolonoquin siya nang isang cucharang suca rin.

Ang gagauin sa tauong sinusubaan ó nadedesmayo dahilan sa mayroong saquit sa caniyang man~ga litid. Ang saquit na suba dahilan sapagca mayroong saquit sa man~ga litid, ay siyang cusang nauauala, capag pinapaypayan ang may catauan at pina-aamoy nang m~ga mabaho. Mabuti ring atuhing basain n~g tubig na malamig na sinucaan ang noo, pati nang quibotquibotan nang maysaquit.

Ang gamot sa sinusubaan dahilan doon, ay ang suca, na ang calahating bahagui ay tubig na malacuco, na ipa-aamoy sa maysaquit; ang noo, ang quibotquibotan, at ang galang-galan~gan nang camay niya, ay babasain noon ding sucang tinubigan; at painumin siya naman nang dalaua, ó tatlong lag-oc nang suca rin, na ang tubig ay marami sa calahati.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap