United States or Switzerland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Itong gamot ay totoong buti; at ang isa pa,i, ualang liuag gauin. Ang saquit na frenesí, na yao,i, saquit nang utac nang ulo nang tauo, na dahil doon ay nasisira ang bait ang maysaquit, na tila bungmabagsic.

Itong man~ga sinabi co n~gayon, di man ang lahat, ang iba ay marahil maquita doon sa man~ga maysaquit na tinatamaan nang han~gin, ó nang frenesi, ó sa sinasauan, na yaong lahat na saquit ay paraparang convulsión din.

Ang dinaraanan nang frenesí ay nalalagnat; nasisira ang bait; sungmasama ang loob niya, pati nang pagtin~gin, na dahil doo,i, anaqui bungmabagsic; ang pulso,i, matigas, mapula ang muc-ha, ang bibig ay tuyo; hindi macatulog siya nang mahimbing; sa ilong mayroong tungmutulong tubig; mayroon namang tungmitiboc nang malacas doon din sa quibotquibotan at sa liig; ang maysaquit ay hindi nauuhao, baga man tuyo ang caniyang dila.

Itong saquit na ito, ay ang pagiinit ó ang pamamaga nang utac nang ulo nang tauo, at marahil nacacasama nang man~ga lagnat na manin~gas ó buloc ó sucab; datapoua cun minsan ang frenesí ay ualang casamang saquit na iba.

Ang gamót sa frenesí ay gayon: Ang maysaquit ay houag lilibutin n~g maraming tauo. Ang ipaiinom sa caniya ay ang bilin sa número 1, ó sa número 10, ó sa número 17.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap