United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang gamot sa sinasauan, na yaong saquit na yao,i, isa rin nang pinan~gan~ganlan nang castilang epilepsia, ó mal caduco ó mal de corazón. Ang pan~galan cun minsan nang tagalog dito,i, suba; ang tauag cun minsan doon nama,i, panhihimatay, capítulo 11.

Gayon din ang gagauin pag ang tauo,i, sinasauan dahil sa siya,i, bubulutun~gin ó titicdasin. Cun baga caya sinasauan ang may catauan sapagca siya,i, mayroong bulati sa tiyan, ay gagamutin para nang turo sa capítulo 85. Ang gagauin sa babaying sinusubaan na yaong saquit na yao,i, pinan~gan~ganlan nang castilang mal de madre. Itong saquit na ito,i, maliuag matapatan nang gamot.

Itong man~ga sinabi co n~gayon, di man ang lahat, ang iba ay marahil maquita doon sa man~ga maysaquit na tinatamaan nang han~gin, ó nang frenesi, ó sa sinasauan, na yaong lahat na saquit ay paraparang convulsión din.

Ang bagay sa sinasauan, ay ang pagtahan sa maaliualas na lugar, na hindi natacpan nang bahay ó cahoy na marami: masama sa caniya ang pag-inom nang alac, ang pagcain nang baboy, ó man~ga bun~ga ó gulay na may han~gin para nang saguing, patani, etc. masama rin ang siya,i, magalit, ó matacot nang malaqui.