United States or Guatemala ? Vote for the TOP Country of the Week !


Maging sa samahan man ng mga kabinataang kawal ng bagong panahon sa siudad ng Maynila ay napahiwalay rin siya at kusa ba waring lumubog na ng patuluyan ang ngalang Eduardo de la Rosa, ang batangbatang magiging matarong manananggol. Ang mga kabataang kanyang mga kasama sa pagaaral ay minsanminsang siya ang pinaguusapan: ang sanhi ng kanyang paglubog sa mga lipunan.

Mabuti na lamang at hindi nagbabago si Leoning ang nawika ni Eduardo. At si aling Rita na noo'y na sa labas ay pagdaka'y pumasok at sinalubong ng boong lugod ang ating binata. Eduardo, magtuloy ka, halika ang wika ng matanda Ano, kumusta ka? Mabuti po sa awa ng Dios. Bakit mo nalaman itong amin? Hindi ko po sinasadyang mapadaan dito nguni't nakita ko si Leoning sa inyong durugawan.

At, kung ang isang Eduardo, na matapos mong limutin ang sumpa, matapos mong maulol ay nagduyan ka sa ibang palad at nawiling sumabisig ng ibang lalaki ng dahil sa salapi iyong nilimot, ay paano pa kung sa ibang araw naman ay makakita ka ng lalo pang mariwasa at kagiliwan mo namang panibago?

Eduardo, diyata't ang sumpa mo'y napatulad na lamang sa asong matapos tangayin ng hangi'y napauwi sa wala? Napatulad na lamang kaya sa paglubog ng araw sa pagdadapit hapon na hindi na muling sisikat? Ay! alalahanin mo ang aking palad! Sa aba ko! Diyata't papagtitiisin mo ng hirap ang isang pusong umiibig ng tapat? Oo, hindi kumukupas sa puso ko ang banal kong pangako: iniibig kita, iniibig kita!

Ang kanyang pagaaral ay lalong sinisikap upang sa wakas ay magtamo ng tagumpay. Lalo at lalong sumisigla ang kanyang katawan. Lubos na nasisiyahan. Kay palad na Eduardo nga naman! Lagi nang sa mga huling titik ng mga liham na kanyang tinatanggap ay di nawawala ang matatamis na alaala ni Leoning, na, siyang lubos niyang nagiging kaluwalhatian.

Nguni't kailan ko pa kaya matatamo ang pagasang maituturing kong ligaya ng aking buhay? Katulad ko Leoning ay isang bulaklak na nalalanta at ang tanging makapagpapasariwa, lamang ay ang hamog ng iyong kaawaan. Datapwa't ang binibini ay patuloy sa kanyang pagkapipi; hindi pa rin sumasagot, kaya si Eduardo ay muling nangusap. Leoning, kailan pa?

Pati yaong gabi ng mga sandaling sila'y nagpapaalaman ay waring sumusurot sa kanyang alaala. Maaaring sa isang iglap nga lamang ay ipagwalang bahala ni Leoning ang gayon. Maaari ngang mangyari ang lahat ng mga hinagap na ito. Sukat ng maalaala ni Eduardo ang kanyang bayan ... Maari ngang ang isang Leoning ay ganap na makalimot. Maaari nga sapagka't doo'y maraming mayayamang binata.

Pagdating ni Eduardo sa sariling tahanan ay nagbihis ng kanyang damit na pangpahinga at bago natulog ay idinalangin at sinabi ang ganito: Huwag nawang makalilimot si Leoning sa aming sumpaan! Dalawang buwang singkad ang lumipas mula nang lisanin ni Eduardo ang sariling bayan. Si Eduardo ay parating tumatanggap ng mga sulat na buhat kay Leoning. Si Eduardo ay palagay ang loob.

Wala na at hindi na yata pamuling magbabalik ang kanilang kahapong nagdaang lipos ng kaligayahan at pangarap. Si Leoning nga naman! Nawala na nga kaya sa alaala ni Leoning ang lahat? Diyata't nilimot niya ang sumpaan sa pagibig? Kaya ngayon ay walang bumabagabag sa damdamin ni Eduardo kundi pawang mga mapapait na gunitain sa buhay!

Ang halimuyak ng mga bulaklak na nasa bakurang mahalaman ay tila naghahatid ng samyo at kabanguhan sa kahilang paguulayaw. Kay papalad! Dalawang pusong nagkakaisa ng tibukin. Si Eduardo ay naliligaya sa piling ni Leoning. Si Leoning ay nalulugod sa harap ni Eduardo. Si Leoning ay isang mabangong bulaklak na humahalimuyak kung nagbubukang liwayway.

Salita Ng Araw

ginang

Ang iba ay Naghahanap