United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Eduardo, diyata't ang sumpa mo'y napatulad na lamang sa asong matapos tangayin ng hangi'y napauwi sa wala? Napatulad na lamang kaya sa paglubog ng araw sa pagdadapit hapon na hindi na muling sisikat? Ay! alalahanin mo ang aking palad! Sa aba ko! Diyata't papagtitiisin mo ng hirap ang isang pusong umiibig ng tapat? Oo, hindi kumukupas sa puso ko ang banal kong pangako: iniibig kita, iniibig kita!
Nilimot ng kanyang kasintahan, nilimot ni Leoning, na, ngayon ang kanyang naging palad, oh! ang kanyang naging palad ay naritong magtiis ng hirap, siklutin ng bagabag, tulad ng bulaklak na nalalanta, tulad ng liriong natutuyo, kumukupas ang dating kasariwaan, nalalaing ba wari. Dahil sa sumpa mong nilimot Leoning! Dahil sa sumpa mong nilimot oh!
Salita Ng Araw