Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Hulyo 11, 2025


Ang ngalang Eduardo de la Rosa ay waring nawala na pati at lumubog sa mga samahang tanyag na kabinataang dating kanyang pinakikisamahan. Nawala siya at ngayon ay hindi na nakakasama ng mga dating kasamahin.

Habang naaabot ng tanaw ni Leoning, si Eduardo ay di nagbabago ang pagkakatitig ng binibini. Sa palagay ni Leoning ay parang isang dapit-hapon ang gayon. Dinalaw rin siya ng munting pagkalungkot. Isang tanaw pa ang inihabol ni Leoning, nguni't, oh! wala na....

Kaya nagbago na ang lahat, si Eduardo ay hindi na pamuling magduduyan sa kandungan ni Leoning! Wala na, wala na at natapos na ang lahat. Natapos na ang kanilang pagtitigan na sa pagtitigang yaon ay nagkakaalaman na sila ng lihim ng puso, natapos na ang kanilang pagngingitian, na, ang pagngingitiang yaon ay nagkakaalaman sila ng lihim ng diwa. Waring hindi na nga magbabalik ang lahat.

Ang binatang ito ay tumutugon sa pangalang Daniel Perez, na ngayon ay naninirahan dito sa siudad. Siya'y isang kilalang mayaman sa Kabisayaan. Daniel Perez, iyan, iyan, ang kalaban ni Eduardo sa pagibig kay Leonora. Ang pagibig nga naman ni Leoning! Ang pagibig ni Leoning ay parang natulad sa bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala.

Ang mga sandaling yaon ay siyang huling gabi ng kanilang paguusap, at kung maulit man ay maluluwatan na pagka't sa kinabukasan ng araw na yaon ay patungo ng Maynila, si Eduardo, sa dahilang panahon na naman ng pagbubukas ng mga paaralan. Hindi na niya maaaring magawa pa ang dating pagdalaw kay Leoning na walang liban tuwing hapon.

At sa boong pananalig ng ating binata ay lagi nang inaalaala ang kanyang irog, na inaasahan namang gayon din sa kanya ang binibini. Si Eduardo magmula na nang siya ay makilala ng kinatawang Velarde ay waring lalong naging masigla at masikap sa kanyang pagtuklas ng karunungan.

Kaya upang hwag mahalata pati niyong tsuper ay ginawa ni Leoning ay iniutos ngang padaanin sa Hardin Botaniko upang bumili ng mga bulaklak. At, upang makagawa ng paraan sa pagtungo sa tahanan ni Eduardo ang matalinong si Leonora ay iniuutos na din sa tsuper na ang auto ay idaan lamang sa gayong mga lansanhgan at may dadalawin siyang kaibigan na kanyang naging kadalaga.

Sukat na Eduardo ko ang paanas na salita ng binibini. Leoning, samantalahin natin ang pagkakataong ito.

Hindi na nga lamang kita maaring magkausap pa disin sana ay maipahiwatig ko sa iyo ang lahat: ang aking kalagayan ay tila ba napakaselan at laging may nakabantay sa akin; parang bilanggo na di makakatakas sa kulungan. Mahigpit na mahigpit sa akin ang mang Alejandro, oh! na kung malalaman mo lamang Eduardo, siya ang dapat hampulan ng sisi ng lahat kong ipinagkaganito sa iyo.

Hindi ba ginoong Eduardo de la Rosa? At sa ano pong paraan mahal na kinatawan? ang pagdaka ay naisagot ng tinanong. Karangalan ninyo at karangalan ko ang ipagtapat ang lahat. At, masasabi ko pa ring hindi karangalan lamang natin kundi ng inyong bayan at mga kababayan.

Salita Ng Araw

hirang

Ang iba ay Naghahanap