United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Walang ulikulik n~gang tumawag sa bahay ni donya Basilia ang mestisang pawang kasinun~galingan ang laman n~g ulo nang m~ga sandaling iyon n~g pakikipaglamay sa kasun~gitan n~g gabi. At pagbubukas n~g pinto n~g kanyang ale, ito'y kaagad niyang hinagkan sa kamay, tanda n~g paggalang. N~guni't ang maybahay ang unang nagsalita sa patakang tanong: ¿Elsa, bakit?

Oy, manong matahan ka.... Uuwi kana? Mabuti nga't nang maalaman mo ang laman ng mga liham na iyan.... Oo hanggang bukas. Nang si Manuel ay dumating sa kanyang bahay ay ang pagbubukas sa, tungkos ng mga liham ang unang ginawa, at matapos basahin lahat ay nag-buntong hininga at nasabi sa sariling: "Nahuli ako; nguni't iisa ang ipinahahatid kong liham ay ¿bakit naging tatlo...?"

Ang mga sandaling yaon ay siyang huling gabi ng kanilang paguusap, at kung maulit man ay maluluwatan na pagka't sa kinabukasan ng araw na yaon ay patungo ng Maynila, si Eduardo, sa dahilang panahon na naman ng pagbubukas ng mga paaralan. Hindi na niya maaaring magawa pa ang dating pagdalaw kay Leoning na walang liban tuwing hapon.

Sa m~ga sandaling yao'y hindi niya maturol kung sa kaninong anak n~g Dios nahahabilin ang palad ni Teang, at sa m~ga sandali ring yaon ay nasa harap naman niya ang liham ni Elsang naglalahad n~g walang pagtutumpik sa tanang pithaya n~g pusong nauuhaw sa pagirog ... At ang sulat na iyong kinakaharap niya, higit sa isang pagpapahayag n~g mataas na pagtin~gin, ay isang tunay na paghin~gi't paghihintay n~g kanyang magagawa, n~g sukat niyang ilin~gap sa isang minamahal at itinatan~gi sa buhay ... ¿Paano ang marapat niyang gawin sa pagpapabaya ni Teang? ¿At paano ang gagawin naman niya sa gayong pagbubukas n~g dibdib n~g mestisang nabihag n~g kanyang pagkamakata? ¿Saang panig siya dadako? ¿Doon? ¿Dito?...

Salita Ng Araw

ginang

Ang iba ay Naghahanap