United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kinararangal kong ipakilala sa iyo ang kinatawan sa lalawigang C ... ang kagalanggalang na kinatawang Velarde. Eduardo de la Rosa po. Maraming pong salamat. Ang binata pong iyan ay aking kababayan ang patulo'y ni Leoning. Siya ay isang nagaaral dito sa Maynila at di magluluwat at makatatatapos na sa kanyang pagaaral, ilang araw pa't siya'y isa nang manananggol na tatawagin.

At, ano ang kanyang tinamo? Pinuri siya sa kanyang pagkamasikap. At, sa bufete ng nasabing kinatawan ay ipinakita sa kanya ang mga lalong mabuting paraan at mga maayos na pagkilos ng isang manananggol na may ngalan. Itinuro sa kanya ang lalong mabuting paraan sa pangangtuwiran sa mga usaping maselan. Ang kinatawang Velarde, ay isang mananggol na kilala ang ngalan ng marami sa siudad.

At sa boong pananalig ng ating binata ay lagi nang inaalaala ang kanyang irog, na inaasahan namang gayon din sa kanya ang binibini. Si Eduardo magmula na nang siya ay makilala ng kinatawang Velarde ay waring lalong naging masigla at masikap sa kanyang pagtuklas ng karunungan.

At, ngayon ay walang nagiging bukangbibig ang kanyang ilang mga kaibigan at kakilala na di nakamamalay ng kanyang sakit, kundi: Ano kaya ang naging sanhi ng sakit na iyon ng ating kaibigang Eduardo de la Rosa? Pati ang kinatawang Velarde, na, kanyang naging matalik na kaibigan ay nagkaroon din ng kaunting pagkamangha sa kanyang naging palad.

Ang ating binata ay anyung dinalaw ng poot ang loob at sasagutin na sana niya ang marangal na kinatawan akala niya ay hinahamak ang kanyang pagkatao, nguni't hinadlangan agad siya ng ating kinatawang Velarde at sinabing: Hindi naman ito sa pagpuri ng harapan ang dugtong ng kinatawan at saka nagpatuloy. Ang pagkakilala ko sa inyo ay ipagtataka nga ng inyong sarili.