United States or Isle of Man ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bakit namumugto iyang m~ga mata mo? Bakit ka umiiyak? ang sunod sunod na tanong n~g matanda pagka kita kay Delang. Maluat na di nakaimik ang ating binibini at pagkaraa'y sinabing: Nakagat po n~g langam ang sulok n~g mata ko. Huag mong pagkukusutin; tina tawag ka daw n~g nanay mo. Nagpa-alam ang ating binibini at tinun~go ang kanilang tahanan.

Napuna ko rin sa m~ga nakaraan mong lathala, na tumukoy ka sa m~ga dulang "iilan" ang kanyang m~ga "pesonaje" at sa pagtukoy mong ito ay nabanggit mo ang "Panibugho" ni Pepe Rivera, ang "Dalawang Hangal" ni Moneng Ilagan, at ang "Ana Maria" ni Ñol Binoy Reyes.

¡Tamád! ang nárinig pa niyáng ulit ni Sawî ¡láyas, láyas sa bahay ko n~gayón dín! Si Tamád, pagkaraán n~g sandalîng pagkakápamanghâ, parang kawal na pinagsaulán n~g ulirat, pagkaraán n~g unang ulán n~g punlông kaáway, ay patawá at paaglahìng tumanóng: Chico, chiquito , ¿bakit ka nagkakáganyán? Tamád: huwág nang sumagót. Iwan ang báhay ko n~gayón din. ¡Báh, kung akó'y walâng sadyâ sa iyó!...

At gayon din naman sa pag-aasawa, ó sa pan~gan~ganak na lubhang ginhawa, at sa lahat na n~gang dapat ipag-sayá, sila ay padalhan n~g liham pagdaka. Kung patutun~go ka sa alin mang bayan, lalo't sa malayo'y lubos na kailan~gan, bago ka umalis muna'y magpaalam sa kaibigan mo't iyong katunkulan.

Hita niya sa hita n~g lalaking yapos ay nadadaiskis minsa'y magkadaop, pagkakadaop na, animo'y napagkit sa ininog-inog, ang kanilang pisn~gi'y madalas magtalik.... sa sayaw di ka man humin~gi n~g halik ay makahahalik.

Kung nanunun~gaw ka sa iyong bintana ang hinahalaw mo'y ang ikatutuwa n~guni't di makita ang linuhaluha nitong sa dilag mo'y nan~gan~gayupapa. Nagwawala ka n~gang bahala sa lagay at nagpapasasa sa kaligayahan bago'y di mo tantong nasa kalumbayan akong sumintang di maipamalay.

Talagang may suerte ka nga naman kaibigan. Nguni't ako'y walang malay na siya ay naririto. Kung nalaman ko ba lamang agad ang tugon ni Pako naibalita ko agad sa iyo. Sana nga; sayang na sayang. Bakit naman siya naparito sa Maynila? Iyan nga ang di ko maalaman. Pako, hindi mo ba alam kung saan nakatira? Ang matandang may-ari ng kanyang kinatitirahan ay kilala sa tawag na Don Alejandro.

Mabuti naman at nalaman mo ito. Pumarito ka ngang lagi. Gayon na lamang ang pagkalugod niya sa anyayang yaon ng matanda; kay gandang loob! Leoning, kausapin mo nga sila, ipagsama mo sa loob, hala pasok kayo at ako lamang ay magaayosayos dito sa labas ang dugtong pa ni aling Rita. At nagsipasok sila. Anong tuwa ng binata! Wala kundi pawang kasiyahan sa puso ang naghahari.

Soledad ko, ikaw ang pinagnasaang pagkamatayan n~g aking pag-ibig. Pedro. Ikasiam huag pagnasaan ang asawa n~g kapua mo. Soledad. Guiliw kong Soledad ikaw ang aariin kong kaisang puso. Pedro. Ikasampu huag mong pagnasaan ang ari n~g iba, lalo na kung iguinagalang ka. Soledad. Hahanganan kona ang takbo nang pluma sapagka't ikaw din ang iibiguin ko kahit anong karatnan. Pedro.

Asawa ko, ang palambing na pag-gising ni Lolay. ¡Kaunting tubig, ang binuka sa bibig ni Kadiliman, karaybay na n~g pagtakbo si Lolay upang kumuha n~g tubig at pinainom si Kadiliman ¡Ah Asawa ko! iganti ninyo ako kung sakaling ako'y mamatay ¡Nakú! ang pagigil na wika ni Lolay na lumagaslás sa matá ang luha, ¿Bakit? ¡Ay asawa ko! ang banayad na tugon ni Kadiliman; ako'y nanaginip, ako'y binan~gun~got, ang aking napanagimpan sinalaksak daw ang aking mukha n~g isang makatâ Mulî na namang bumalong sa m~ga mata ni Lolay ang luha't nan~gusap n~g ... ilayô mo na sa loob mo ang pakikipagtung-galî sa m~ga ganyan; n~g marinig ni Kadiliman ang salitang ito n~g kanyang asawa napaban~gon kahit gumugulapay at nan~gusap n~g pasigaw Hindi mangyayari, sapagka't ¿paano ang aking nasa sa pagcoconsejal? ¿Hindi mo ba tanto't kung kayâ ko pinagpipilitang maalis si Dr. noon 905 sa tungkol na pagka consejal , n~g ako ang mahalili? ¿Hindi mo ba alam na kung kaya ako nagnasyonalista n~g ako'y magkaroon n~g katun~gkulan? ¿Hindi mo ba natatalós na kung kayâ ako naghimasok sa kapisanan n~g m~ga panday; n~g ako ang maihalal na Consejal kung maaprobahan ang Bill Adriático at....? ¿Hindi mo ba natatatap na kahit ako'y magkahirap-hirap n~g mapataas lamang sa mataas na tungkol kung mangyayari? ibig kong maging Presidente sa América kung maaarî lang at n~gayo'y ibig mong ihiwalay ko, ang bagay na iyan sa aking panaginip, kaya't bukas ay mamilí ka sa palenke n~g marami at maghahanda ako, siya magpahin~galay ka, ang sagot ni Lolay.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap