United States or Barbados ? Vote for the TOP Country of the Week !


Magwari-wari ka't tin~galin n~g isip ang pagkalarawan n~g santong matuid, na ang lumalabag sa dunong n~g Lan~git ay walang wala nang aantaing bihis. Pawi ang lumbay mo at ipaubaya sa Dios na Amá ang boong bahala, walang mangyayari sa tahanang lupa na hindí sa dunong niya nagmumula.

Ikáw aming bunso'y magpapakatimbang sa lakad n~g mundo't panahong niniral kung sakasakali't makapag tagumpay payapa ka rito't hangang hulíng búhay. Sa mundo'y pag di ka natutong nan~gilag at tinalasan ang mata n~g in~gat walang malay-malay nayapos ka't sukat niyaong pan~ganyayang lihim na pahamak.

¿Hindi mo na naaalaala? Makinig ka't isa-isa kong ipaaalaala sa iyo: Noo'y musmos pa tayo. Musmos, oo; wala tayong kamalay-malay sa mga sigalot ng buhay; bago pa lamang tayong humahakbang sa unang baytang ng pag-ibig, at bago pa lamang tayong natututong sumunod sa itinitibok ng ating puso; nguni't hindi pa natin nakikilala kung ano ang pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig.

¡Si Tirso Silveira! ¡Ang aking asawa! ... ¡Ay Tirso! ¿Nasaan ka n~gayon? ¡Parito ka't lin~gapin mo ang aking napagsapit!... Marinig ito n~g isang nurse , ay madali n~gang nanaog na nagtungo sa silid n~g makatang nasa ibang bahagi n~g gusaling iyon. Samantala'y patuloy ang m~ga pagtataka, at patuloy ang m~ga pagsusumigaw n~g abang maysakit na di nagsasabi kung siya ay sino.

Salamat, Tirso ... Huminahon ka't napawi na ang sigwa.... ¿Lumabas ka bang kusa sa kolehio? ang tanong na naman n~g inang manghangmangha sa nangyari sa anak.

Kailan~gan sumama ka; at n~g pagtulò n~g gamot na ihahaplas ko sa batok mo't likod ay malamig lamig pang mapasakatawan mo ... Sumama ka't n~g ikaw ay madáling gumaling at n~g umabot ka n~g anihin, sayang ang palay at mapapásalupa lamang ay hindi mapakinaban~gan, tutukain lamang n~g m~ga ibong kung saan saan galing na m~ga pook. Ako po'y baka di makatagal ah!

Ang bahay natin ay nagkakatapat halos, at isang hapong masaya ang langit na ikaw ay nasa bintana, ako'y nanungaw, at nang maino mong pinagmamasdang kita'y tumungo ka, tumungo ka't saka ngumiti ng lihim, bago itinaas ang mata at kiming sumulyap sa akin. Sumandali tayong nagkatitigan at pagkatapos ay isang ngiting busog sa ligaya ang ipinahatid mo sa akin.

At pagkahawak sa telepono'y tinig n~g babae ang kanyang narinig. Si Silveira n~ga po itong kausap ninyo. ¿Sino po ba naman sila? ¡Ah, ikaw pala, Elsa! Oo, natanggap ko. ¿Kung kailan mo tatanggapin ang sagot? Ang ibig ko sana ay sagutin kita n~g harapan sa isang pagniniig ... ¿Paiirugan mo ba ako? Kung kailan ka may panahon ay tumipan ka't ating pagusapan ang bagay na iyan.

Na anó po?...ang pagdáka'y tanong ni Juan. Kapag inabot ka n~g katapusang patók, ay katapusan mo namán, at ... Bakit po? Sapagka't darating doon ang isang malaking tawo na yayapos sa iyo na sasakalin ka't ipaghahaguisan n~g lubhang matayog hangang sa di ka mamatáy. Si Jua'y hindî nagsalitâ, n~guni't di naman munti man na takot sa m~ga hulíng sinabi n~g matandâ.

Kung nakatayu ka't may kakaharipin, ay huag kang sumandal sa pinto ó dingding; ang m~ga kamay mo'y huag may butingtin~gin, ang dalawang paa'y itayong butihin. Kung naka-upu ka'y ang iyong m~ga hita ay huag pagpatun~gin sapagka't pan~git n~ga at huag mu rin namang paunating lubha ang iyong m~ga paa sa may dakong gitna.

Salita Ng Araw

magpipipe

Ang iba ay Naghahanap