United States or Colombia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapuwa't para kay Leoning, bagama't ang kanyang damdamin ay nasa kandungan ng gayong kaligayahan, ngunit sa kanya ay walang ano man iyon. Kung sakali mang ang kaakitakit na mukha niya ay paminsanminsang sinusungawan ng mga ngiti ay ang mga ngiting yaon ay hindi kaligayahan ng kanyang puso.

Iniwan niya ang pamumuhay na walang payapa, iniwan ang lasong mga namamalas sa ginagawang isang asawang naglilo. Iniwan niya ang lahat na makamandag na ngiting idinulot sa kanya ng asawang taksil. At, ngayon si Leoning! Ano ang magiging palad nito? Ngayon ay lubos nasuklam na rin sa kanya ang isang Eduardo dahilan sa masamang halimbawang kanyang ipinamalas.

Kung alin ang masarap sa iyo ay siya mong bilhin at masarap din sa akin ang pakli mo na sinundan ng ngiting puno ng saya. At muli akong lumapit sa magmamane. Pumili ako sa isang bilao ng dalawang mansanas at pagkatapos ay ibinigay ko sa iyo ang isa. Iyan, iyan ang masarap ang bigkas mong sabay sa pagtanggap ng mansanas. ¿Totoo nga ba? ang tanong ko naman.

Ang bahay natin ay nagkakatapat halos, at isang hapong masaya ang langit na ikaw ay nasa bintana, ako'y nanungaw, at nang maino mong pinagmamasdang kita'y tumungo ka, tumungo ka't saka ngumiti ng lihim, bago itinaas ang mata at kiming sumulyap sa akin. Sumandali tayong nagkatitigan at pagkatapos ay isang ngiting busog sa ligaya ang ipinahatid mo sa akin.

At si aling Rita pati ay nakilahok na sa usapan nila at sinabing: Hwag ka sanang makalilimot ng pagparito. Hindi po. At nanaog na ang ating binata. Sa durungawan ay muli pang nagdulot si Leoning ng isang ngiting puno ng pagasa para kay Eduardo na habang natatanaw at naaabot ng kanyang titig ang binata ay di naaalis ang pagkakapako ng kanyang paningin.

Datapwa't napatotohanan ni Eduardo na siya ay talagang hindi nagkakamali sapagka't tunay na pangangatawan yaon ni Leoning at saka ang takip sa mukha ni Leoning ay kaunti lamang at nakalitaw ang mga labing sinusungawan ng ngiti na ang ngiting yaon ay kilala agad ni Eduardo kahi't na yata na sa malayo.

"Súlong na, maaabála ka lang sa akin," ang patúloy ng binibinì na may kahálong wari'y hinampó. "Patáwad, Elíng!... Binibirò lang kita.... Huwág mong damdamín ang áking pagkukúlang... at sasabíhin ko na sa iyóng lahat!" Isang ngitî, isang ngiting malambíng na 'kapilas ng langit' ang nagpahiwátig kay Gerardo na ang pinangambahán niyang nagtampó ngang túnay, ay nagtamputampúhan palâ lang. "Anó iyon?

Samantalang ang kaawaawang si Daniel ay walang iginaganti naman sa asawang mananaog kundi mga ngiting lipos ng paggiliw. Datapwa't nang umagang yaon na si Leoning ay may iba nang kilos na nakatawag ng kanyang damdamin ng pansin ay ang ngiting kanyang damdamin pansin ang ngiting kanyang iginanti sa asawa ay waring isang ngiting balot ng hiwaga.

Ako'y nasayahan at naramdaman kong sumasal ang tibok ng puso at waring ako'y napa-angat sa aking kinalalagyan na di ko makuro kung bakit. ¿Pag-ibig na kaya ang kahulugan ng ngiting iyon? Kung pag-ibig ay ¿paano ko maaalaman? At sakaling pag-ibig na nga'y ¿ano ang maidudulot sa aking buhay? Ang sunod sunod kong tanong sa sarili.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap