Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 17, 2025


Sabihin mo na n~ga, Elsa. Mabuti'y panggagaling na natin sa Pandakan. ¡Ayoko! ¡Anhin ko kung ayaw ka! ¡Di mo matatamo ang mahalagang balitang may kinaalaman sa babaeng kinauululan mo! At dagling nakaramdam si Tirso n~g malaking pananabik. ¿May kinaalaman kay Teang? itinanong na agaran. Hindi ako nagbibiro, ang matatag na sambot n~g mestisa. ¿Ay bakit ayaw mo pang sabihin n~gayon?

Sa isang an~gat n~g ulo ay nanglilisik na naipako niya ang kanyang m~ga panin~gin sa mapagwaging anyo ni Teang sa piling ni Tirso; at wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay n~g babaeng iyon upang umagaw n~g kaligayahan niya ... Si Teang ay isang babaeng kung kinasilawan man n~g paghan~ga ni Tirso ay nilimot na naman nito, at siya si Elsa ang sa wakas ay pinagsanglaan n~g lalong mahal na hiyas n~g puso at pinaghasikan n~g matimyas na punla n~g isang pagibig na wagas at dalisay.

Si Dioni naman, kaya napapamata, sa hipag at walang isinasagot kundi tatawatawa lamang, ang totoo'y hindi pala nakauunawa sa ibig sabihin n~g "himalang" binanggit n~g mestisa. Maalaala ko pala'y matagaltagal nang hindi ko nababalitaan kung saan naroon ang Teang na iyan, ang tan~ging nasabi ni Dioni. ¿Saan n~ga ba naroon? ang di napigilang itinanong din ni Tirso na nadadala yata n~g pananabik.

N~guni't kay Teang, ang gayong pagyuko ni Elsa ay nagpapanumbalik naman n~g dati niyang pakikipagpalagayan sa mestisang ito, kaya't parang hindi dinaanan n~g ulap ang maaliwalas na lan~git n~g kanilang pagkikilala'y malugod niyang tinawag ang pan~galan nito. ¡Elsa! anya, at kasabay ang lapit na idinugtong: Naniniwala akong kaya ka naririto'y dahilan sa akin, ¿hindi ba?

Kinusa niya ang pagliham kay Tirso upang ito ang kanyang makasama sa pagdalo sa Pandakan, pagkapalibhasa'y hinahan~gad niyang pataban~gin ang loob n~g nasabing makata sa pagkababae ni Teang sa bisa n~g ibabalita niyang "himala ni pari Casio" na napatanghal sa bahay n~g kanyang ale: at ang pagtabang n~g loob ay kanyang hinahan~gad, upang mapapagiba niya n~g hilig ang m~ga pan~garap n~g makatang iyan, matutong umunawa sa masisidhing pitlag n~g kanyang puso, at kung mayayari'y matuto ring magpahalaga't tumugon n~g nararapat sa lihim na pita n~g kanyang kaluluwa.

At ang kaselanan n~g kanyang tayo dahil sa sinumpaang pakikiisang dibdib sa harap n~g hukuman sa Sampiro, ay nagaatas sa kanya upang magpakain~gat sa ikapagkakaroon n~g masasangguning katibayan n~g pakikitalamitam niya sa sinomang babaeng naiiba kay Teang.

Tingnan mo; kung kaawaan n~g Dios na makaraos sa pagmomongha ang aking anak, wala nang napakaligayang buhay na gaya n~g tatamuhin ko marahil.... ¡Siya n~ga pala! Si Teang daw ay nasa "La Compañia" para sa ganyang layon, ¿tunay n~ga po ba?

Maging saan man ang tun~go nati'y dapat mong paggayakan kung ano ang imamatuwid mo, sakaling makarating sa m~ga tayn~ga ni Teang ang ganitong ating pakikipaglamay sa kasayahan n~g gabing ito. Si Teang ay wala na sa akin, at ni di ko maalaman kung saan siya naroroon sa m~ga oras na ito. ¿Wala na sa iyo? ¿Ay kapag naalaman mo kung saan siya naroroon? Magkagayon ma'y wala akong sukat na ikabahala.

N~guni't hindi ganyan ang paghahaka ni kumare, saka lalong hininaan ang pagsasalita, Sa katunaya'y ibinigay sa "La Compañia de Jesus" si Teang sa himok n~g paring iyon bago napaalis sa X.... ¿At si Teang po ba'y nasa kolehio n~gayon? Matagal na; at siyang sadyang dadalawin n~g kanyang ina, itinaon na lamang tuloy sa pagdating ni Quezon ang pagluwas dito.

At sa tulong n~g kanyang maayos na pakikiagpang sa m~ga kaharap, ay nagawa niyang ibaling sa iba't ibang bagay ang kanilang salitaan, hanggang sa nang lisanin siya n~g m~ga pilyong yaong kung sa kilos lamang hahatula'y mawiwikang hindi makagagawa n~g anoman, ay di na napagukulan n~g kahi't isang kataga, ang sinoman kay Teang at sa mestisang kay Elsa.

Salita Ng Araw

carang

Ang iba ay Naghahanap