Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 9, 2025


Ang nakakatulad n~g aking pag-giliw ay isang pulubing dumadaing-daing na sa kanyang taghoy at pananalan~gin ay walang maawang maglimos n~g aliw! Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo, kanyang tinatarok ang luha n~g puso, kanyang binabasa sa pamimintuho yaong katunayan n~g sinamo-samo.

At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang pacundan~gan ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui n~g cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co ang lahát, sampô n~g pagmamahál sa sariling dan~gál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong m~ga caculan~gán at m~ga carupucán n~g púsò.

Yamang walang taong likas na mabuti't walang nan~gamaling hindi nan~gagsisi. Sa ikasisiya n~g iyong sarili'y itatakwil ko na ang aking pagkasi. Lulunurin ko na sa hukay n~g puso ang aking yayaong nasawing pagsuyo, ipagluluksa ko ang pagkasiphayo n~g aking pag-ibig na di mo inako.

Ako'y manghuhula sa bagay na iyan, pagka't nababasa, sa hugis, sa galaw n~g m~ga titig mong halik n~g kundiman ang ibig sabihin at pita n~g buhay. Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y pagsuyo, minsa'y pang-aaba't minsa'y panibugho, minsa'y paanyaya sa tibok n~g puso nang upang sumamba't sa iyo'y sumamo.

Anim na buwan pa muna bago dumating ang panahong sinasaysay namin n~gayon, nasunduan niyang ganap ang lalong caligaligaya niyang panaguinip, ang panaguinip n~g boong buhay niya, na dahilan dito'y pinawalang halaga niya ang m~ga pagsuyo n~g cabataan at sampo n~g m~ga pan~gacong pagsinta ni capitang Tiago na n~g una'y ibinubulong sa canyang tain~ga ó inaawit sa ilang m~ga pananapat.

«Ligaya sa mundo ang iyong pan~gaco «igauad sa aquing tumatan~ging puso, «dalisay na sinta,t, tunay na pagsuyo «n~guni,t, ualang daan ang iyong pagsamo. «Tahas na nica cong bilang pahimacas «na di magmamalio, buhay ma,i, mautas «at cung uulitin ang hin~gi co,i, tauad «ito,i, mabuti ring iyong matalastas.

Kung walang tiwala sa aking pan~gako'y saksi ang halik kong iyong itinago. halik na sa iyong pisn~ging maaamo'y nakintal na tanda n~g aking pagsuyo. Kung kulang ka pa ring tiwala buhay, ako'y magtitiis sa kapighatian, magtitiis ako, kahit nalalamang ang lungkot n~g tao'y isang karamdaman . = Kung ikaw'y binata =...

Ang taglay kong dusa kung ako'y palarin ay magiging sayáng hindi magmamaliw. Walang saglit na di ang iyong pan~gako ang napapasulat sa aklat n~g puso, walang araw na di ang aking pagsuyo ay sabik sa tuwang kapintupintuho kaya't nangyayaring madalas maligo itong aking palad sa luhang nunulo.

Nang una'y ayokong dito'y maniwala Subali't sa n~gayo'y nakita kong tama. Ang luha n~g tao ay may m~ga dahil, May luhang nagmula sa pagkahilahil, May sa pagkaapi sa isang giniliw, May sa pagkalayo sa inang butihin. Ang luha n~g aking nagsisising puso Ay hindi nanggaling sa pagkasiphayo, Ni sa pagkaapi n~g aking pagsuyo, Ni sa pagkagahis n~g isang palalo.

Salita Ng Araw

tutop

Ang iba ay Naghahanap