United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang una'y ayokong dito'y maniwala Subali't sa n~gayo'y nakita kong tama. Ang luha n~g tao ay may m~ga dahil, May luhang nagmula sa pagkahilahil, May sa pagkaapi sa isang giniliw, May sa pagkalayo sa inang butihin. Ang luha n~g aking nagsisising puso Ay hindi nanggaling sa pagkasiphayo, Ni sa pagkaapi n~g aking pagsuyo, Ni sa pagkagahis n~g isang palalo.
Sa paminsan-minsa'y maanong kuruing wala nang itagal ang aking damdamin, kung magdaramot ka, Reyna kong butihin at di mahahabag sa pagkahilahil ay iyong asahang ang aking paggiliw ay magkakalbaryong walang págmamaliw. =¡Huwag kang manganib...!=
Kung ang m~ga laguim at pagkahilahil siyang magdudulot sa iyo n~g saya iyo n~g sabihin at aking gagawin ang ano mang ibig na ipababata káhit ikaputi n~g aking hinin~ga. Pagkaraan n~g kanyang pagaawit ay tumanong. Anó, anak ko ang naghatíd sa iyo dito sa ilang na poók?
Iyong magagawa ang ako'y limutin at matitiis ko ang pagkahilahil, iyo mang isangla ang iyong paggiliw sa ibang binata'y... di ko daramdamin! Kung tunay mang lan~git ang iyong pagkasi'y isang Infierno ring aking masasabi, bihira sa m~ga magandang babae ang di salawaha't taksil sa lalaki.