United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cung gayón ang ipinagpatuloy n~g sundálo n~g madálang na pananalitâ, at canyáng tinititigan ang m~ga matá ni Sisa, icáw ay sumáma sa amin; pagsisicapan na n~g iyóng m~ga anác na humarap at isísipót ang salaping ninacaw: ¡Sumama ca sa amin! ¿Acó? ¿sumama acó sa inyó? ang ibinulóng n~g babae na umudlót at minamasdan n~g boong pagcagulat ang m~ga pananamít n~g sundalo. ¿At bakit hindî?
At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang pacundan~gan ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui n~g cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co ang lahát, sampô n~g pagmamahál sa sariling dan~gál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong m~ga caculan~gán at m~ga carupucán n~g púsò.