United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang nakakatulad n~g aking pag-giliw ay isang pulubing dumadaing-daing na sa kanyang taghoy at pananalan~gin ay walang maawang maglimos n~g aliw! Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo, kanyang tinatarok ang luha n~g puso, kanyang binabasa sa pamimintuho yaong katunayan n~g sinamo-samo.
Sa aking pagdaing, sa aking pagtawag, sa sinamo-samo n~g dusta kong palad ay palaging dilim at libin~gang ulap ang hangang sa n~gayo'y nagiging katapat. Lahat na'y nabata n~g aking pag-ibig, lahat na'y nasukat nitong pagtitiis, lahat na'y napasan sa silong n~g Lan~git maging ang parusang pagkalupit-lupit. Nagbago ang lahat!