United States or Ireland ? Vote for the TOP Country of the Week !


At kahambing ng "iya" na naaaring gawing isa sa pagbigkas kahi't dalawa sa pagkakasulat ay maaari rin ang "iyo". Gayon din, at maaari ring pagkaisahan, ang ukol sa "uwa", manakanaka. Maaaring palayain ang makata, maminsanminsan, kailan ma't di makasusugat sa pangdingig. Bigyan laya nga; at ang ganito ay hindi naman sapilitan. Lumaya ang may ibig, at huwag naman ang ayaw.

Saka ibinaling sa makata: Tirso, n~gayon ko napagtalastas kung bakit inibig mong mapatiwalag ka sa bakuran n~g Papa ... ¡May labis kang katuwiran!... Samantala, ang dinaranas na pagpupuyos n~g budhi ni Elsa, habang nagiging saksi siya n~g lahat at lahat, ay di mailalarawan n~g lalong bihasang panitik.

Hinuhulaan ko na n~ga bang paririto n~gayon si mang Silveira, ang manawanawang ibinulong n~g isa sa m~ga alila sa kanyang kasama, pagkaabot kay Elsa n~g kanilang m~ga binili. Kapag naghintay ay talagang may darating ... itinugon namang lihim n~g pinagsabihan. At hindi naglipat sandali't nasarili na naman n~g makata at n~g mestisa ang loob n~g kabahayan.

Kung gayon, mamayang gabí, ay itatanghal sa "Tanghalang Makata" ang isang bago kong dula na ang pamagat ay SA TABI N~G BAN~GIN. Bagong dula mo na naman? Oo, at iya'y ika limangpuo't lima na: Wala kang pagod na tao! Paparoon ka? Oo, asahan mo. Kung gayon ay naito ang Palco presidencial. Ibig kong ikao ang man~gulo sa aking palabas. Napaka labis naman yata iyan.

Ang punlang iyo'y inaalagaan ni Elsa na taglay ang taimtim at tunay na pagmamahal, sa pananalig na sarili niya at tan~ging siya lamang ang may kapangyarihang maghari sa pagibig n~g naturang makata ... saka n~gayon sa namamalas niya'y si Teang ang kayapos n~g m~ga bisig ni Tirso ... ¡Oh, hindi niya mababata!

Hindi natatalos ni Elsang sa napagdanasan n~g sarili hinahan~go ni Tirso ang ganyang hakahaka hinggil sa suliraning kanyang iminumungkahi. Di niya nalalamang nang matutuhan n~g makata ang ganyang turo ay nitong mapagaralan na lamang sa pagkakarahuyo sa isang babaeng nawala at sukat matapos na siya'y pahan~gahan~gain sa angking alindog.

Sunodsunod na nagdaan sa papawirin n~g alaala n~g makata ang m~ga pangyayaring kanyang napanood sa loob n~g bakod n~g m~ga karnabal na idinaos sa ilang taong tinalikdan.

At ang makata ay wala nang nagawa kundi sumuko at pabihag na buongbuo sa diwatang iyong naghahatid sa puso niya n~g di mailarawang m~ga tibukin.

Sapagka't ... ibig ko sanang ipagpalagay n~gayon, kung tayo ay nasa alinman sa m~ga ilog na iyon, na ako ay si Balagtas at ... ikaw naman ang aking Selia. N~guni, Tirso, sa kasaysayan n~g Balagtas na iyan ay ¿nasasabi bang siya ay nagkaroon n~g dalawang Selia? Hindi. Kung gayon, kahi't makata ka, ay hindi mo maipagpapalagay na ikaw ay si Balagtas.

¡Ay, Tirso! ¡Salamat kung iyan na lamang ang iyong inaakalang dapat gawin!... At pagkasambit nito ay papiksing tumayo at umanyong nagtatampo. Elsa ... malumanay na tawag n~g makata, sasandali ang pagkakataong ito na masasamantala natin; mangyayaring sa sisipot na lamang dito't sukat ang iyong hipag, maanong kung baga't ibig mo ay magusap na tayong mahinahon.... ¿Ano pa ang kailan~gan?

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap