United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
At kahambing ng "iya" na naaaring gawing isa sa pagbigkas kahi't dalawa sa pagkakasulat ay maaari rin ang "iyo". Gayon din, at maaari ring pagkaisahan, ang ukol sa "uwa", manakanaka. Maaaring palayain ang makata, maminsanminsan, kailan ma't di makasusugat sa pangdingig. Bigyan laya nga; at ang ganito ay hindi naman sapilitan. Lumaya ang may ibig, at huwag naman ang ayaw.