United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sasaysayin co Feliza, ang man~ga regla na dapat alinsunurin. Magbibigay luhód sa casama ó caibigan, pagbibigyang honor ó puri, n~guni ang pagbibigay ay tapat sa loob, at di paimbabao. Houag magnasaang pintuhoin at igalang nang caibigan cun di mamahalin, na para nang pagmamahal niya sa sarili. Hindi ang isa lamang ang magpapaquita nang loob, cun di capoua magpapaquitaan.

Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ó marumi. Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya.

Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga notas ó tanda. Ang man~ga notas ay ito: Coma (,): Punto y coma (;): Dos puntos (:): Admiracion (!); Interrogacion (?): Paréntesis (): Puntos suspensivos (::::): Etcétera ó Etcétera (&c.): Acentos

Caya Feliza, in~gatan mo si Honesto, pagdating nang capanahonan, tapunan mo nang magandang aral, nang houag pumaris sa iba na ualang iniisip cun di ang tin~galin sa caibuturan nang camahalan, sucuan igalang at pintuhoin nang tauo sa bayan.

Marami ang namamanyo nang nan~gan~ganinag, nacabin~git lamang sa ulo at ang modang ito,i, dala hangang sa paquiquinabang at pagcocompisál. ¡Oh Feliza! ¿napasaan caya ang galang sa lugar Santo? ¿napasaan caya ang canilang cahinhinán?

Dito na minulan ang pag babagong loob nitong naglilo sa asaua, at hangang sa matapos ang caniyang buhay, naninta,t, naglingcod cay Guinoong Santa María, na caniyang pinag cautan~gan nang gayong daquilang aua. Sa salitang ito, Feliza, han~goin mo ang cahatolang ucol sa iyo,t, cay Amadeo. In~gatang cayo nang Dios. Isang Sacerdote cay Feliza at cay Amadeo . MANILA ...

Salamat, Feliza, sa íyong magandang ugali, na pinagsususón mo ang baro, at iniin~gatan mong maquita nang matá ang iyong catauan. Ang magluang nang bilog, ang mamaro nang maicli, ang babaye na di marunong magin~gat nang caniyang pagquilos, ay parang itinatanyag ang catauan sa mata nang tauo.

N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun aquing saysayin itong man~ga daquilang catungculan nang tauo, bucód dito nama.i, n~gayong, á las sieting mahiguit nang umaga na aco,i, sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag-aaral co, ay sa icalauang sulat mo na hintin ang pag sunód co sa cahin~gian mo: Adios, Feliza. Si Urbana cay Feliza . MANILA ...

FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang binabasa co na,i, napintasán quita,t, dinguin mo ang cadahilanan.

Sa caniyang man~ga sulat sa capatid na Feliza, ay macapupulot ang dalaga, macapag aaral ang bata, maca aaninao ang may asaua, macatatahó ang binata nang aral na bagay sa calagayan nang isa,t, isa. Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pagilag sa pan~ganib na icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay magagauang ulirán nang ibig mag in~gat nang cabaitan at loob na matimtiman.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap