United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun mag daan cang maloualhati ay mag pasalamat ca sa Dios. Cun ang inyong anac, Amadeo at Feliza, ay maguing cristiano na, ulitin ang pag papasalamat sa Dios, ihain sa pag lilingcód at pamimintuho sa caniyang camahalan.

FELIZA: Cun ang inyong pag sasama ni Amadeo, ay bigyan nang Dios nang bun~ga, ay caiin~gatan mo,t, nang huag masira. Ang babayeng nagdadalang tauo ay maramdamin ang catauan, caya dapat itiguil ang pag aayunar, at baca ipag caramdam, at bucod sa rito naman ay di ang sariling catauan, cun di sampu nang sangol na dalá sa tiyan, ay nag cacailan~gan nang pagcain.

FELIZA AT AMADEO: Ibinabalita sa aquin ni Urbana na tinangap ninyo ang Santo Sacramento nang matrimonio, at tuloy hinihin~gi na cayo,i, sulatang co, at ipaaninao ang man~ga santong cahatolang ucol sa bagong estado, na inyong tinangap.

Alalahanin mo, Amadeo, na iniuan mo ang ama mo,t, ina, at sumama ca cay Feliza, at cayo,i, nagca isang catauan, caya sa inyo,i, ualang magpapahiualáy cun di ang camatayan; sapagca,t, ang matrimonio, ay isang taling caloob nang Lan~git na di nacacalag nang tauo. Caya dapat cayong magsunuran sa lahat nang bagay na di nalalaban sa utos nang Dios.

Cun si Feliza, Amadeo, ay di macasunód sa iyo sa lahat nang bagay at may macaligtaan, ay magpáraya ca, ipahayag mo nang sabing banayad, houag gahasain, sapagca,t, ang isang babaye, ay uliran man nang cabaitan ay may pagcacaculan~gan din sa caniyang catungculan sa lalaqui, at palibhasa,i, ang babaye ay para rin nang lalaquing anac nang nagcamaling babaye.

Sa ganitong balita, Urbana, nang isa cong caibigang tapat na loob; sa man~ga pahayag ni ama ni ina at iba pang camaganac natin, ay sinaysay co cay ina, na pumapayag na aco, na si Amadeo,i, maguing esposo co. Di co na sabihin sa iyo ang man~ga nangyaring ualang cabuluhan, bago cami nacasal.

Nang quinabucasan, Urbana, ay naquita cong nasoc sa pintoan nang ating bacuran si Amadeo. Adios, Urbana, hangang sa isang sulat. Feliza. Si Feliza cay Urbana . PAOMBONG....

Icao naman Feliza, ay magpilit na houag magbigay galit sa iyong esposo, at palibhasa,i, icáo ay nasusucuban nang caniyang capangyarihan. Icao Amadeo, ay houag macalilimot, na catungculan mo ang maghanap buhay, palibhasa,i, ulo ca, na may cautan~gang magpacain sa esposa at sa maguiguing anac.

Aquing natatantô, ina, na ang matalas mong bait, ay nadarayaan, di ang cagandahan, di ang pagca guinoo, di ang munting ari ni Amadeo, cun di ang magandá niyang asal, ang nacahicayat sa iyo, na ibigáy sa aquing esposo, n~guni hintay muna, ina, at magmamasid acong man~ga ilang arao.

Amadeo,t, Feliza, ang inyong anac ay anac nang Dios sa gracia, caya dapat paca alagaan. Cun ang isang hari sa lupa ay mag catiuala sa inyo, na paalagaan ang isa niyang anac, ang iyong pagcacalin~ga capala pa,i, ualang pagcasiahán.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap