United States or Montserrat ? Vote for the TOP Country of the Week !
Icao naman Feliza, ay may catungculang magimpoc nang maquiquita ni Amadeo, at magalaga sa pamamahay: ilagan ang pagmamariquit nang labis, at nang di ninyo ipaghirap. Icao, Amadeo, ay houag macalilimot sa gaui mong catahimican, nang di pagcaraanan nang pagcalimot sa Dios, at di naman pagcadahilanán na paghinalaang ca ni Feliza, na siya,i, pinaglililohan mo.
Icao naman Feliza, ay magpilit na houag magbigay galit sa iyong esposo, at palibhasa,i, icáo ay nasusucuban nang caniyang capangyarihan. Icao Amadeo, ay houag macalilimot, na catungculan mo ang maghanap buhay, palibhasa,i, ulo ca, na may cautan~gang magpacain sa esposa at sa maguiguing anac.
At hangang nabubuhay cayo,i, houag macalilimot sa Dios caiin~gat na mahulog cayo sa casalanan. Cun itong man~ga huling bilin nang mamamatay ninyong magulang cun marápat na macapanood sa Dios, ay di co cayo lilimutin, at magmula sa lan~git ay igagauad co dito sa inyo sa lupa ang aquing bendicion.