Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 23, 2026
Cun si Feliza, Amadeo, ay di macasunód sa iyo sa lahat nang bagay at may macaligtaan, ay magpáraya ca, ipahayag mo nang sabing banayad, houag gahasain, sapagca,t, ang isang babaye, ay uliran man nang cabaitan ay may pagcacaculan~gan din sa caniyang catungculan sa lalaqui, at palibhasa,i, ang babaye ay para rin nang lalaquing anac nang nagcamaling babaye.
Ibig co disin, na ang man~ga sulat cong ito ay basahin mo, at gayon din naman si Honesto, houag ang minsan cun di ang maminsan-minsan, sapagca,t, cun minsan lamang, matalastas man ang cahulugan ay madaling malimutan; cun basahin toui-touina, may malimutan man ay maaalaala, at ang macaligtaan sa man~ga unang pagbasa ay maaaninao sa icalaua; ang di na pagaralan nang una, ay mapagaralan sa huli, caya ipinanamanhic co na basahi,t, basahin.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap