United States or Kosovo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Huag limutin ni Honesto, na ang caran~galan sa mundo, ay para rin nang mundo, na may catapusan; ang fortuna ó capalaran nang tauo, ay tulad sa rueda na pipihit-pihit, ang na sa itaas n~gayon, mamaya,i, mapapailaliman, ang tinitin~galá n~gayon, bucas ay mayuyuracan, caya hindi ang dapat tingnan lamang, ay ang panahong hinaharap, cun di sampo nang haharapin.

Caya Feliza, in~gatan mo si Honesto, pagdating nang capanahonan, tapunan mo nang magandang aral, nang houag pumaris sa iba na ualang iniisip cun di ang tin~galin sa caibuturan nang camahalan, sucuan igalang at pintuhoin nang tauo sa bayan.

Ang di pagcatutong maghanay nang sulat, ang sumulat nang lihis sa reglas nang arte; na ang tauag ay gramática , ay nagsasaysay na ang sumulat ay culang sa pag aaral. Salamat Feliza, at icao ay nagsaquit matutó; at si Honesto ay pinagsasaquitan mo. Ang sumulat nang lihis sa regla, ay capintasán sa isang dalaga, at lalong pansin sa man~ga lalaqui.

FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag cayamután.

Feliza at ni Honesto, ay matutong maquipagcapoua tauo, ay ang inyong quilos, asal at pan~gun~gusap, ay magdaramit nang cariquitan na maca bibihag nang puso.

Ituro mong magaling, Feliza, cay Honesto itong man~ga reglas na aquing padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang. Isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. Adios capatid co. URBANA: Tinangáp co ang man~ga sulat mo aco,i, napapasalamat sa iyo at cami ni Honesto ay pinagsasaquitan mong matuto.

Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay Honesto, na bunsó tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan.

Si Urbana cay Feliza , MANILA.... FELIZA: Sa pagcamasid co na sa maraming bata saan mang bayan, ang isa sa man~ga nacasisira ay ang malabis na paginom nang alac na naquiquita,t, namamana sa paquiquipagibigan; sa sulat na ito, minatapat co na siya cong saysayin sa iyo, at nang pagpilitan mo na si Honesto,i, macailag sa masamang caibigan at nang houag mahaua sa canilang vicio.

Unti-unti, Feliza, na ipaquiquilala mo cay Honesto ang cahalagahan nang mahal na asal, nan pag-tuntón sa matouid at cagandahan nang loob. Ital

FELIZA: Si Honesto,i, cun macatapos na nang pag-aaral matutong bumasa nang sulat, sumulat, cuenta at dumating ang capanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya,i, gauing puno sa bayan, caya minatapat co sa loob na isulat sa iyo ang caniyang aasalin, cun siya,i, magca catungculan, at ang sulat na ito,i, in~gatan mo at nang may pagcaaninauan cun maguing cailan~gan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap