United States or Taiwan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ayon sa bagay na ito,i, uala acong masabi, cun di ang inyong magandang banta at ang mabait na adhica nang loob ni Feliza, ay ipatuloy, sacali,t, mapaganinao, na na-uucol. Humihi~ngi naman sa aquin nang man~ga cahatulang ucol sa caniyang calagayan, isinan~guni co sa isang Sacerdoteng marunong, ay di minatapát na ipahayag lamang sa aquin nang bibig, cun di ang isulat.

URBANA: Alinsunod sa magandang cahin~gian sa iyo ni Feliza, ay minatapát cong isulat sa inyo ang man~ga cahatolang laban sa masamang caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang matotouid na aral na sinipi ni padre Arbiol, sa santong sulat, na nauucol sa man~ga ina. Mumulán cong isaysáy ang isang masamang caugalian, na caraniuang naquiquita.

URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang Matrimonio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. Dito sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.

MINAMAHAL CONG CAPATID: Alinsunod sa pagsunód co sa cahin~gian mo na isulat co sa iyo ang mágandang aral na aquing tinangap sa maestra, ay minatapat co na dito,i, ipahayag sa iyo ang ayon sa calinisan.

Si Urbana cay Feliza , MANILA.... FELIZA: Sa pagcamasid co na sa maraming bata saan mang bayan, ang isa sa man~ga nacasisira ay ang malabis na paginom nang alac na naquiquita,t, namamana sa paquiquipagibigan; sa sulat na ito, minatapat co na siya cong saysayin sa iyo, at nang pagpilitan mo na si Honesto,i, macailag sa masamang caibigan at nang houag mahaua sa canilang vicio.

Feliza at Amadeo, tanto co ang inyong cabaitan, ang tacot sa Dios, at ang pagiibigan, na di pahihinuhod sa paglililo; gayon man, ay minatapát cong italá sa sulat, ang cabigatán nang casalanang ito, nang may pagcaaninauan ang macababasa. N~gayo,i, isusunod co ang inyong catungculang magpilit na cayo,i, magcasundô.

FELIZA: Si Honesto,i, cun macatapos na nang pag-aaral matutong bumasa nang sulat, sumulat, cuenta at dumating ang capanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya,i, gauing puno sa bayan, caya minatapat co sa loob na isulat sa iyo ang caniyang aasalin, cun siya,i, magca catungculan, at ang sulat na ito,i, in~gatan mo at nang may pagcaaninauan cun maguing cailan~gan.

Oras na daraa'y panghinayan~gan mo ayon sa malaking awa ko sa iyo pahalagahan mo ang bilin kong ito't laging gunitaing naghihintay ako. Yayamang kung gayon kay Honradong saad na ang pagirog ko'y iyong minatapat ay magpupumilit na ako'y hahanap niyong karan~galan buhay ma'y mautas.

Minatapát nang Dios na cunin na dito sa lupa ang caloloua nang iyong esposo, ay ano ang ating uiuicain cun di ang dumating na ang panahong tadhana nang caniyang capangyarihan. Dumating na ang panahón nang pag ganti sa caniyang magandang gauá. Ang Dios ay di nag cacamali, di naca pag daraya,t, di naman napag darayaan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap