United States or India ? Vote for the TOP Country of the Week !


Houag lilimutin nang pan~ginoon, na ang caniyang alila,i, quinapál nang Dios, calarauan nang Dios, tinubós nang mahal na dugó nang ating Pan~ginoong Jesucristo; cun dito sa ibabao nang lupa,i, tinitin~gala siya doon sa isang buhay, sinong macaaalam cun siya naman ang titin~galá; dito,i, nacapagpaparusa cun may casalanan, doon sa arao nang paghohocom sa sangcatauohan di na naaalaman, cun ano ang masasapit; cun maguiguing isá sa magsisihatol sa caniya; alalahanin naman nang alila, na ang mababa niyang calagayan, ay tulot nang Dios, at parang isang hagdang pinaaacyatan sa caniya, sa pagpanhic sa lan~git; at ang paglilincod sa caniyang pan~ginoon, ay icararapat sa Dios, ipagcacamit nang caloualhatian cun minamatamis sa loob, nagtatapat sa pan~ginoon, at tumutupad nang catungculan.

Si Adang nacatulog at nahimbing nang lalan~gin si Eva, ay calarauan ni Jesucristo na dinatnán sa Cruz nang tulog na camatayan, at nang mangyaring lalan~gin ang Santa Iglesia na icalauang Eva. Nang si Cristo,i, patáy na sa cruz ay nabucsán ang dibdib at binucalán nang pitong sacramentos, na ipagcacamit nang gracia at casantosan nang Santa Iglesia, at nang marapat na maguing esposa.

Idinagdag co rin naman dito na sa pagtitiis nang anomang cahirapan, ó pagcacamit nang anomang caguinhauahan ay hindi lamang ang dapat han~garin ay ang magandang capalaran sa buhay na ito, cundi lalonglalò na ang maguing daan nang ipaglilingcod sa Dios at ipagcacamit nang caloualhatiang ualang hangan.

URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang Matrimonio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. Dito sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap