United States or Eswatini ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa pagsasalitat,i, houag cucumpáscumpas, ilagan ang in~gay, at nang di nacabibin~gi; masama rin naman ang totoong marahan, sapagca,t, nacayayamót sa quinacausap. Houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa sariling catauan, sapagca,t, ang mapagmapuring tauo,i, bucód sa di pinaniniualaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa salitaan.

Sa pagsasalita,i, cun may mamali ó magalan~gan nang pagsasabi, ay houag pan~gunahan. At cun macapansin nang calupitán ó iba cayang capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan. Ang quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at houag namang italicód ang muc ha, na parang pinauaualang halaga ang quinacausap.

Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,t, matandá, guinoó ó mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintandá mo ó casing taas mo.

FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag cayamután.

Sa paquiquipagharáp, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at cun macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,i, cahan~galan, ay dampotin ang cabaitan at itapon ang casamán n~guni, ang nagcamali ay houag alipustain, sapagca,t, ang magpautang nang masama, malao,t, madali ay pagbababayaran.