United States or Ecuador ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ang man~ga baguntauo na inyong anac, sa inyong pagsasaquit ay matutong matacot sa Dios, masunorin sa inyo, marunong maquipagcapoua tauo, magalang sa matatandá, mapagtiis s

Ang panaho,i, nagtutuling caparis nang pan~ganorin; at ang macaraan ay di na mag sasauli, ang maualá sa matá ay di na moling maquiquita, caya catampatan ang magsamantalá, at na sa capanahonang magtipon. Magsáquit matutong maquipagcapoua tauo, at nang di maquimí sa guitna nang caramihan, at nang di ninyo icahiya ang di carunun~gan.

Sa paquiquipagusap nang isang pinagpupunoan sa caniyang puno, ay di lubhang maquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, sapagca,t, sa tacot ó sa alang alang, ay nacapagpapangap nang mahal na asal na uala sa dibdib, n~guni,t, sa paquiquisama, ó sa paquiquipag-usap sa caniyang caparis, ay diyan naquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, at ang hindi; ang may mahal na asal, ó asal timaua, ang may tapat na loob, at ang lilo, ang may pinagaralang bait, at ang ualá, sapagca,t, ang uala ay capag nalin~gat, ay nailoloual ang laman nang puso dahil sa pagpalagayan nang loob.

Cun naquiqui umpoc sa man~ga binata si Amadeo,i, nacan~giti lamang dili mapanulos na maquipaghambogan, di naman pulaan yaong man~ga baguntauong nan~gagcacamali, diyan ipinaquiquita ang caniyang carunun~gan na maquipagcapoua tauo, na pinagaralan sa magulang.

Ay at tila naquiquita co yaong mabait na baguntauong nan~gusap: aco,i, isang baguntauo na inaaglahi at dinudouahagui, gayon ma,i, ang man~ga utos mo, Dios co,i, di co rin linilimot. Paganhing saysayin dito sinasalita co sa iyo,i, matatantó mo ang pagibig sa Dios at cabaitan, ang carunun~gang maquipagcapoua tauo, mapagtiis nang hirap at carouahaguinan sa mundo na tínataglay ni Amadeo.

Nauucol disin na ituro nang magulang, ó maestro sa escuela ang pag bebendición sa dulang, ang pagpapasalamat sa Dios, sa man~ga bata, gayon din naman ang magandang cahatulan na isinulat co, sa iyo Feliza, laquing caligayahan ang aquing cacamtan, cun si Honesto,i, maquita co, na marunong maquipagcapoua tauo at sa paquiquipagharáp sa puno sa bayan, sa man~ga sacerdotes, sa matatandá, maguinoó, sa capoua bata, at itinutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap.

Cun matutong maquipagcapoua tauo,i, magpapacailag sa quilos, asal at pan~gun~gusap na macasusucal sa mata nang iba, at di man cusain, ay calulugdán at iibiguin nang lahat. Ipagcaloob naua nang Dios na matandaan at itanim sa dibdib ni Honesto itong maicling hatol na isinulat co sa iyo, at nang malagui sa pagibig sa Dios, at matutong magpacamahal sa asal. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.

Ang marunong maquipagcapoua tauo, ay maganda ang caasalan; palibhasa,i, nag-iin~gat, nang caniyang quilos, asal at pan~gun~gusap ay mátuntóng sa guhit nang di capootan nang Dios, at cálugdan nang tauo. Caya ang carunun~gang ito ay hiyas sa isang dalaga dan~gal sa isang guinoo, pamuti sa isang bináta, dilág at cariquitang cacambal náng magandang asal na ninihag nang puso.

Gayon man ang marunong maquipagcapoua tauo, cun di man mangyaring macapahinohod sa namamanhic sa caniya, ay sinasagot nang banayad, binabagayan nang masayang muc-hâ. Ipinaquiquilala, malaqui disin ang caniyang nása na magbigay loob, ay hindi mangyari,t, di macayanang gauin, ó nasisinsay caya sa catouiran.

Feliza at ni Honesto, ay matutong maquipagcapoua tauo, ay ang inyong quilos, asal at pan~gun~gusap, ay magdaramit nang cariquitan na maca bibihag nang puso.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap