United States or Seychelles ? Vote for the TOP Country of the Week !
Houag ipagpalalo, houag magnanasáng mabunyi,t, mabantóg, sapagca,t, di ang cagandahang tulad sa bulaclac na madaling malanta, agád cumucupas, di ang cariquitang para nang oropel, na ang buti at ningning ay pandayang mata, cun di ang cabaitan at ang tacot sa Dios ang pinacamamahal nang tauong may bait, siyang hinahanap nang haring Salomon, at ipinupuri sa isang babaye.
Ang marunong maquipagcapoua tauo, ay maganda ang caasalan; palibhasa,i, nag-iin~gat, nang caniyang quilos, asal at pan~gun~gusap ay mátuntóng sa guhit nang di capootan nang Dios, at cálugdan nang tauo. Caya ang carunun~gang ito ay hiyas sa isang dalaga dan~gal sa isang guinoo, pamuti sa isang bináta, dilág at cariquitang cacambal náng magandang asal na ninihag nang puso.
Man~ga nagsisilbi pulós na castila man~ga dama nama,i, magagandang lubha, nan~gagsi upo na at cumaing paua apat na mag-anac na ualang bahala. At nang macacain ay nagsi pasoc na sa salas n~g bahay nagpapasial sila, ang m~ga cuarto,i, pinapasoc nila minamalas yaong cariquitang sadyá.