United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bucód dito nama,i, ang isang dalagang butihin ay sucat catacutan nang baguntauo, sapagca,t, ang uica ni San Basilio, ay cahit ang pilac ay maparis sa agos na pumapanhic sa bahay, ay madaling mauhos nang babayeng butihin, at sucat icapahamac nang isang lalaqui. Si Salomón ay hari na mayaman at marunong, minamahal nang bayan nang siya,i, bagong maghari.

Isang baguntauo na anac guinoo, magandá ang quias, asal ay mahinhin, may loob sa Dios, may iquinacacaya, asal ay tahimic, malayo pagaauay, ualang nota sa bayan, ang pan~gala,i, Amadeo.

Isang baguntauo, na ang quias at tindig nang pan~gan~gatauan, ay timbang na timbang, quilos ay mabini, mahinhin ang asal, sa caniyang muc-ha,i, cahit di maquita ang nacasisilao na cagandahan, n~guni nagniningning ang cabaitan, ang malubáy at maamong loob na iniin~gatan, ang mata,i, maamo,t, ang binibitiuan ay may hiyang titig, na di napan~gahasang itapon sa aquin.

Sa caraniuang paghaharap nang dalaga,t, baguntauo, ang catauan ay nagcalapit, nagtatama nang mata,t, nagcacaabutan nang sabi; ay at ¡ilan cayang panimdim na laban sa calinisan ang bucal sa isip! ¡ilang masamang banta ang magaling sa puso! ¡ilang bucang bibig ang mabibitiuan! ¡ilang masamang quilos ang magágaua nang binatá na pauang panglugsó nang puri nang isang dalaga!

Cun sa bahay nang dalaga ay may pumanhic na baguntauo, cun may inin~gat na bait ang maguláng, ay di dapat ipahintulot na ang anac na dalaga ay gumamit nang bandeja, lalo,t, cun di nahaharap ang ama ó ina, magpan~gan~ga sa baguntauo, sapagca,t, cun ualang inin~gat na mahal na asal, ay capilitang bubuhatin ang camay ó paá, iquiquilos nang masama, lalo,t, cun na sa dilim.

Sa man~ga sulat ni Urbana, na ucol sa pagtangáp nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, macapagaaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol sa dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na.

Cun ang bata, baguntauo ó binata, ay may casamang matanda, mahal, ó guinoo at may maquitang caquilala, ay houag tumiguil na maquipagsalitaan at nang di matalicdan, na parang pinauaualang halaga, ang quinacasamang mahal, bucod dito,i, di dapat na papaghintayin.

Cun ang man~ga baguntauo na inyong anac, sa inyong pagsasaquit ay matutong matacot sa Dios, masunorin sa inyo, marunong maquipagcapoua tauo, magalang sa matatandá, mapagtiis s

Cun may magpahamac na baguntauo, na maguica sa caniya na nagbabanalbanalan, dahilan sa naquiquitang cabaítan, at malimít na pagpasoc sa Simbahan, ay di mabuyong magalit, sumagot man ay banayad, di magdalang poot sa carohaguinan.

Ang carampata,i, sauatain, at ipili nang isang esposong maca aacay sa magaling. Cun ang anac na dalaga ay ualang tinagong hinhin, malápit ang catauan sa baguntauo, cahit ang sabihin sa magulang ay uala sa caniyang loob ang cahalayán, ay houag pabayaang masunód ang masamang cáasalán.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap