United States or Norway ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayon ma'y cun ang may ari ay ualang cáya at di macaquita n~g Abogadong magmacaalam ay macapaglalagay n~g m~ga tan~ging sugo na man~gatauan sa caniya, n~guni't ang m~ga sugong ito ay mapapara sa m~ga tunay na Abogado na bumabayad n~g ambagan dahil sa canilang katungculan.

At ang capangyarihan sa paghatol ay tataglayin nang m~ga Tribunal ó Kapulun~gan nang catuiran at nang m~ga Hucoman. Ang Kapisanan ay isang Katipunan nang man~ga Tagatayong inihalal n~g m~ga umaambag na may carapatán, upang man~gatauan sa canila at magtangcacal sa m~ga catuiran at pagaaring nasasaclau nang canilang Cabayanan at nang boong República.

Noo,i, maliuanag, malago ang buhoc, mapula ang pisn~gi, ilong ay matan~gos, ang guitling nang liig ay calugod-lugod, daliri,i, maliit at sadyang bibilog. Ang dibdib ay buo, paa ay cabagay nang ugaling laqui nang pan~gan~gatauan, malicsi ang quilos; n~guni,t, namamasdan na nahahalo rin ang cabanayaran.

Isang baguntauo, na ang quias at tindig nang pan~gan~gatauan, ay timbang na timbang, quilos ay mabini, mahinhin ang asal, sa caniyang muc-ha,i, cahit di maquita ang nacasisilao na cagandahan, n~guni nagniningning ang cabaitan, ang malubáy at maamong loob na iniin~gatan, ang mata,i, maamo,t, ang binibitiuan ay may hiyang titig, na di napan~gahasang itapon sa aquin.