United States or Malawi ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa man~ga sulat ni Urbana, na ucol sa pagtangáp nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, macapagaaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol sa dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na.
Sa caniyang man~ga sulat sa capatid na Feliza, ay macapupulot ang dalaga, macapag aaral ang bata, maca aaninao ang may asaua, macatatahó ang binata nang aral na bagay sa calagayan nang isa,t, isa. Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pagilag sa pan~ganib na icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay magagauang ulirán nang ibig mag in~gat nang cabaitan at loob na matimtiman.