United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bayaang co ito ang ipagtuturing ang oras nang gabi nang cusang dumating may isang dalaga na lubhang mahinhing nag-isip ang tatlo ay cusang agauin. Ang n~gala'y Clarita na sacdál nang gandá cusang nagmasaquit nagnasang iadyá si na P. Burgos, Gómez at Zamora nang gabí ring yaon doon sa Capilla.

Siya naua. ¡Aba casanto-santosang Doctor, Arao ca nang sangcacristianohan! dili lamang sa aral mo, liuanag at nin~gas, cun di sa man~ga tulong mo,t, saclolo, na ipinagcacalin~ga mo sa man~ga mauiuilihin sa iyo, at pinagcacalooban mo sila nang buhay at cagalin~gan sa caloloua,t, catauan, at iniin~gatan mo,t, ini-aadya ang puri at ari nang balang nang napaaua at napasasacolo sa iyo, at n~gayong mamatay ca na, ay ipinararati mo rin ang iyong calin~ga, caya n~ga yaong iyong tubig na bumubucal sa pinagbaonan sa iyo, ay nacapagbibigay mata sa man~ga bulag, lacas sa man~ga mahihina, caaliua,t, cagalin~gan sa balang nang macainom noon, at doon naman sa Toledong bayan, ay napatanghal ca,t, napaquitang nugao nang balang, at iniaboy mong inilulunod sa ilog; aco,i, dungmaraing sa iyo, na gamotin mo ang aquing man~ga saquit at pagalin~gin mo ang aquing caloloua, at iadya mo itong boong caharian sa man~ga dinaralitang casaquitan, sa man~ga lindol, man~ga pagcacagutom, at sa iba pang man~ga sarisaring cahirapan, tuloy ipagcaloob mo naman sa aquin ang hinihin~gi co sa iyo dito sa novenas na ito, yayang sa boo cong loob ay nauiuili aco sa iyo.

LUSINO. Ang lalong mabuti tayo ay maghalal isang pintacasing madadalañginan sa lahat ng oras at sa paglalaban ay iadya nauá sa mga caauay. JOSEFO. Cung gayon ang dapat ang ibunyi natin angel ng príncipeng San Miguel Arcangel ang siyang ihayag sa puso't panimdin at siyang daiñgan saan man pumaling.

Tingni, santong Ama, at cun gaano ang paghihirap at pagcacasaquit n~gayon nito ring santa Iglesia, at ang daming halimao sa infierno na dumurouahagui at gumugubat sa caniya, ay magpatirapa ca sa camahal-mahalang harapan nang casanto-santosang Trinidad, at pagaamo-amoin mong dain~gan, na ipagsangalang at iadya ang caniyang man~ga campon na ovejas dini sa man~ga ganid na halimao, ituro,t, ipanuto sa catouid-touiran at cabulusang daan nang aral nang santo Evangelio, nang dumating na maloualhati diyan sa caguinha-guinhauaha,t, lubhang mapalad na buhay, na iyong quinadoroona,t, pinaquiquinaban~gan.