United States or Curaçao ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dios iyong dalan~ginan sintahin naming matibay. Agustíng Amang maran~gal ilao nami,t, paraluman . Casanto-santosang Patriarca Amang san Agustín, landas nang matotouid na asal at tagapag-unaua nang dilang cautusan, ilao nang man~ga Doctores, at salamin nang aming buhay: maguing pintacasi naua naming maalam sa harapan nang Dios. Ipanalan~gin mo cami, maloualhating Amang san Agustín.

¡Aba Dios at Pan~ginoong co! Na pinagpala mo ang caloloua nang Ama cong san Agustín, sa pinacalan~git nang iyong santa Iglesia, at pinarating mo sa cataas-taasang pagninilay, na ga nauaualang loob at natitilihan sa man~ga cababalaghan mong Misterio, at nagcamit pang nanood dini sa buhay na yari nang Trinidad na casanto-santosan, at naguing dapat numamnam nang dugong camahal-mahalan sa taguiliran nang aming Pan~ginoong Jesucristo, at nang calinalinamnamang gatas nang casanto-santosang Virgen María, at pinagitanan nilang mag-Ina na uala siyang matotohang lin~gonin nang malaquing pagcatoua, at ungmalab na sungmilacbo ang apoy nang caniyang sinta cay Jesús at cay María: ay panin~gasin mo naman, Pan~ginoon co, ang dibdib co sa pagcauili cay Jesús at sa caniyang casanto-santosang Ina.

Tingni, santong Ama, at cun gaano ang paghihirap at pagcacasaquit n~gayon nito ring santa Iglesia, at ang daming halimao sa infierno na dumurouahagui at gumugubat sa caniya, ay magpatirapa ca sa camahal-mahalang harapan nang casanto-santosang Trinidad, at pagaamo-amoin mong dain~gan, na ipagsangalang at iadya ang caniyang man~ga campon na ovejas dini sa man~ga ganid na halimao, ituro,t, ipanuto sa catouid-touiran at cabulusang daan nang aral nang santo Evangelio, nang dumating na maloualhati diyan sa caguinha-guinhauaha,t, lubhang mapalad na buhay, na iyong quinadoroona,t, pinaquiquinaban~gan.

Siya naua. ¡Ay Jesús! At sa iyo, casanto-santosang Patriarca, dumaraing naman aco, at dumadalan~gin na aco,i, anaquin mo, di man aco dapat, at ipagcaloob mo sa aquin ang hinihin~gi co dito sa novenas na ito, sampon nang icao rin ang parating maguing panogot, paraluman at Maestro co, at nang sa tulong nang iyong liuanag tontonin nang caloloua co, na houag ding masinsay, ang itinuro mong daang cabulusan sa Lan~git.

Marahil Urbana,i, na aala-ala mo pa na madalas na pan~ganlan ni ama na Sacramento nang pag ibig, sang-la nang pag ibig ang casanto-santosang Sacramento sa Altar caaya ayang bansag na caniyang namana cay Santo Tomás de Aquino Doctor nang Santa Iglesia at Angel sa pag ibig, caya sa oras na ito ay pauang pag ibig sa Dios ang caniyang ipinaquita.