Sa cay Eliseo namang isinagot, «di co linilimot ang aua nang Dios, palalaguiin co hangang sa malagot ang tan~gang hinin~ga,t, buhay co,i, mataposCAPÍTULO II. Ang pinagcautañgan nang buhay. «Isa namang gabi,i, aco,i, quinauayan nang guilio cong mamang labis na magmahal, aniya,i, dinguin mo ang ipagsasaysay cun sa natutulog ay parang pamucao.

Ani Eliseo,i, tila cailan~gan na ang ating gauin muna ay sulatan, Sagot ni Hortensio,i, mangyayari naman sa lahat nang bagay quita,i, tutulun~gan. Sa oras ding yao,i, tambing isinulat ang cay Eliseo na sa pusong in~gat saca nang mayari,i, cusang iguinauad sa caniyang catoto,t, baca may pintas.

Dalaga ay parang naacay nang habag sa cay Eliseo,i, tambing na nan~gusap: puso,i, itahimic houag mabagabag: ¿anóng magagaua ay hindi mo palad? Ang nangyaring yao,i, parang di pinansin at sa ibang bagay cusang inahinguil yaong salitaan, at nang di mailing, malubos ang hiya at pagcahilahil.

Ani Eliseo sa catotong ibig, labing ualong taon ano,i, nang sumapit, dumating ang isang sulat na pahatid niyong aquing mama, ganito ang sulit: »Guilio cong pamanquin, yaring carain~gan »ay talastasin mo at panain~gahan, »na cung mangyayari,i, muling pagbalican »ang bahay na itong iyong quinaguisnan.

Houag nang litisin ang matandang iyan pinalalaqui mo ang mumunting bagay, uica ni Hortensio,t, ang sabihin naman cung anong nasapit nang iyong pinacay. Ani Eliseo,i, hindi ninanasa ang pag-aasaua,t, cusang isinumpa sa harap nang lalong Mahal at Daquila ang tica nang puso halos pagcabata.

At si Eliseo naman ay gayon din sa lilong Valerio,i, tantong narimarim; na hindi mangyari cahima,t, pilitin ang may asal hayop na gayo,i, guiliuin. CAPÍTULO VI. Ang uliran nang man~ga dalaga. Ugali nang tauong maganda ang asal sa may dalang hapis puso,i, nahahambal, caya si Hortensio,i, tambing napaalam sa nagcacalin~ga. Ganito ang saysay,

Daquila ang lumbay niyong si Eliseo sa pagpapaalam nitong si Hortensio, hinadlan~gan sana ang pag-alis nito dan~gan ang dahila,i, malaquing totoo. Sa isang convento,i, pagdaca,i, pumasoc pagsunod sa lihim na tauag nang Dios, ualang iniisip cundi big-yang lugod ang nagpacamatay dahil sa pag-irog.

At si Eliseo pagdaca,i, sumunod sa mabuting hatol niyong nag-uutos minulan na rito yaong paglilingcod sa cay Esperanzang may ugaling ayos: Mataric na bundoc ang nacacatulad, na cung salun~gahin ay lubhang mahirap; tatlong taon halos saca pa naagnas yaong batong pusong ualang casing-tigas.

Napagtanto mo na, bumabasang liyag ang cay Eliseo na causap-usap, caya naquilala,i, siya ang nagligtas sa lubhang daquila na pagcapahamac. Sapagca,t, ang isang pamangquin nang pari, Valerio ang n~galan ay may panaghili, doon cay Hortensio,t, ang mula at sanhi dahil sa dalagang sa iba,i, natan~gi.

Cung gayon ang uica nitong capanayam, icao ang bahala nang upang macamtan; ang isa cong bili,i, pacatatandaan sa paquiquiusap ay magpacarahan. CAPÍTULO X. Ang catampalasanan ni Neron at ang matandang mangagauay . Mana,i, sa matapos yaong salitaan ay si Eliseo,i, umoui nang bahay; agad sinalubong mula sa hagdanan nang parang capatid niyang caibigan.