United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nais ko nga ang laging kaligayahan ng puso mo nguni't baka pagkatapos ay lumimot ka sa sumpa. Kamatayan ko nga Leoning ko na baka ikaw ang lumimot. Ako man Eduardo, na tulad ko marahil ay isang bulaklak na lagas kung iyong limutin. At, kung lumimot ka, dahil sa sumpa mong nilimot, ako ay mamamatay.

Datapwa't ... ¡hindi pala! ¡Ang Beaterio , na nang una'y itinuring kong isang Paraiso na katatagpuan n~g dilang luwalhati n~g babaeng banal, ay siya palang tunay na impiyerno sa balat n~g lupa, isang parusahang kinasasadlakan n~g m~ga nahihibuan n~g buktot na hatol! ¡Ang m~ga taong itong kung sabihin n~g aking m~ga ninuno'y matapat na alagad n~g Kabanalang sinugo n~g Dios upang maghasik sa daigdigang ito n~g malusog na binhi n~g Dakilang Asal, at di umano pa'y m~ga tagapagakay sa m~ga kinapal na ninitang ginhawa, ay wala pala kundi m~ga kasumpasumpang kawa n~g Pagpapakunwari na sa tulong n~g balatkayong Tumpak na Pananampalataya'y nagiging halimaw na laging uhaw na mapagsamantala sa puri at dan~gal n~g kahima't sinong mahulog sa kanilang inuumang na lambat! ... ¡Ah, n~gayon ko nakilala ang malaking pagkakamaling aking nagawa laban sa iyo, asawa ko! ¡Dahil sa iyong pagkakasapi sa isang Kapisanang di ko nakilala, pagkasaping ayon sa paring di ko nahulaang may imbot, pala sa aking pagkababae'y sukat daw upang ikaw'y pangdirihan n~g sinomang gaya kong may loob sa Dios, minarapat ko ang sa iyo'y lumimot ... pinagsisihan ko n~g gayon na lamang ang pagkakilala sa iyo ... aking ininis sa sariling dibdib ang pagsintang tumibok na kusa sa mura kong puso ... at ang kadalisayan n~g aking pan~gako ay kusang hinamak at pinapagmaliw n~g lubuslubusan ...! ¡Patawad n~ga, Tirso, ang hinihin~gi sa iyo nitong asawa mong nagbabalik-loob!...

Parang pangarap lamang ang lahat. Oo, pangarap, pangarap lamang ang maligayang kahapong kanyang ipinagduyan sa kandungan ni Leoning. Pangarap lamang na hindi na pamuling mangyayari pa. Wala na, at wala na siyang tanging pagasa kundi limutin ang lahat. Oo, limutin na lamang at siyang tanging magiging lunas ng kanyang pusong sawing palad. Datapwa't anong hirap gawin ng lumimot!

Ang pagsisikap niyang yaon ay dahil lamang sa kanyang mutya, dahil sa kay Leoning na kanyang puputungan sa noo ng laurel ng dangal, datapuwa't ngayon ay ano ang nagbabala sa kanyang palad? Ano kaya? Isang ulap lamang. Isang ulap nga, at naglaho lamang ang lahat! Ang lahat! Oo, ang lahat ay wala na, wala na siyang pagasa sapagka't si Leoning ay hindi na niya maalaman kung bakit lumimot.

Nang makapisan ng mariwasa ay nagbago; naging isang babaing lumimot ng kanyang kahapong lipos ng dilim sa buhay! Oh! babae, magbago ka sana at kundi dahil sa iyo ay hindi masasawi ang isang lalaking kulangpalad na iyong pinaglaruan. Dahil sa iyo ay nasawi ang isang Daniel at ngayon ay sumahukay na ikaw ang naging sanhi.

At kung ikaw naman ang lumimot dahil naman sa sumpa mong nilimot, bulaklak akong manglalagas sa tangkay. Kaya, Leoning, hwag nating alalahanin ang lahat ng ito. Oo, hwag nating limutin ang sumpaan. Oo, nga at kung limutin mo, dahil sa sumpang nilimot ako ay.... Eduardo ko, ako'y gayon din, bulaklak akong manglalagas nang dahilan sa sumpa mong nilimot kung iyong gawin ito.

Nguni't ano kaya ang katotohanan at si Leoning ay lumimot? Nilimot kaya siya sapagka't ang bagong kasuyuan ay isang mariwasa, isang mayaman, masalapi at bukod pa ay kasamahan ng marangal na tao? Marahil ay sa ganyang paraan nga nahimok ang ating binibini. Aywan nga natin. Kaawaawang binata! Oo, kaawaawang Eduardo, kulang palad na binata na nilimot ng kanyang irog.

Tulad niya ay isang bulaklak na nalalanta. Wala na at waring natapos na sa kanya ang lahat at lahat. Magtiis ng hirap at magtiis ng bagabag ang kanyang naging palad. Ngayon, maminsanminsan lamang niyang bigkasin kung nagiisa ay ang ngalan ng kanyang irog na lumimot. ¡Ay! Leoning! Dahil lamang sa sumpa mong nilimot minsan man lamang malasin mo ang palad ko!

Maaaring si Leoning ay mabihag ng iba. Paano nga naman ang isang Eduardo, kung ang isang Leoning ay lumimot pagkatapos? Kaawaawang binata! Oh! ang puso nga namang nalalayo sa kapuwa puso! Mangarap na lamang at umasa. Manalig sa pagasang ikinakalat ng bubukang liwayway pagsikat ng araw.

Asahan mong ako'y di marunong lumimot sa sinanglaan ng pagibig. Leoning, salamat. At hinawakan ang kamay ng binibini na dahilan sa galak ng kanyang puso.... Datapuwa't ang kanilang maligayang paguusap ay nahinto. Ang masaya nilang paguusap ay nabulabog. Ang kanilang pagngingitian ay natigil, kapwa nagulat ang dalawa. Bakit? Ano ang kahulugan noon? Isang putok ng rebolber ang kanilang narinig.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap