United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !


"May palagay ako na ang malimit na pagtatanong tungkol sa di ko pagsipot n~g kaibigan naming naghanda ang siyang nakapagulol na lalo sa kainipan at kung anoanong sapantaha n~g aking kapatid. Bakit ay mahigit daw sa tatlong oras na pinamutian siya n~g mata't nagtila kaning nagpakapanghal sa pagaabang sa lunsaran, n~guni't ang kung bakit di ako dumarating ay hindi niya masayod liripin."

Sinasabi sa akin sa canyáng hulíng sulat, na may isáng taón na n~gayón, na huwág daw acóng maliligalig cung niya acó sinusulatan, sa pagcá't marahil ay totoong marami siyang pinakikialamán; ipinagtatagubilin sa aking magpatuloy acó n~g pag-aaral ... at ¡benebendicìonan acó!

Nakikisang-ayon sa acala n~g gobernadorcillo ang totoong cagalanggalang na si Parì Fray Damaso, taglay iyáng cagandahan n~g púsong siyang ikinatatangì niyá, at ang idinagdag pa'y cung sacali't magcagayon daw, ang princesa na ang hahanap n~g paraan at n~g canyáng masunduan ang púsod n~g gigante upang sa gayo'y canyang mápatay."

Lubháng naibigan n~g m~ga indio at lalong-lalò na n~g gobernadorcillo ang comediang tagalog: nagpakita n~g malaking catuwaan ang gobernadorcillo at sinasabi sa aming sáyang daw at hindi pinapakipag-away ang princesa sa gigante na sa canya'y umagaw, bagay na sa canyáng balac ay lalò sanang caguilaguilalas, at higuit pa, cung hindî mangyaring talban ang gigante cung di sa púsod lamang, na gaya baga n~g isang nagn~gan~galang Ferragús, ayon sa nababasa sa casaysayan n~g buhay n~g Doce Pares.

¡Cung gayo'y iyán palá ang Elías na naghúlog sa alférez sa isáng pusáw! ang sábi ni Leóng nag-iísip-isip. ¿At paáno ang nangyaring iyón, paano? ang tanóng n~g iláng ibig macatantò n~g líhim. Ang sabi'y násalubong daw n~g alférez ang isáng táong may pas-áng cáhoy na panggátong, n~g isáng áraw na umuulan n~g mainam n~g buwán n~g Septiembre.

Napaguusapan na rin lamang natin ang ukol sa m~ga dulaan, ay maibabalita ko sa iyong ipalilimbag daw yata ni Rivera ang kanyang dulang may isang yugto na pinamagatang "Cinematografo". Ang dulang ito, ay napanood ko na sa unang pagtatanghal sa "Rizal", sa kapakinaban~gan n~g kumatha. Pagkatapos kong mapanood, ay ako na rin sa sarili ang nagtanong: Ano ang aking napanood?

Natunghan niyang minsan sa isang pahayagan ang balitang sa m~ga botika ay napansin daw ang pagkamabili n~g gamot na ipinanunugpo sa pagdami n~g katauhan. At hindi napaglabanan ni Elsa ang pagtatanong sa alaala niya kung sinong parmaseutiko ang mapapamamanhikan niya n~g bagay na iyon, sakaling kailan~ganin.

Sa loob n~g nasabing tanggapan at sa haráp n~g isang lamesang marmol ay nan~gakaupo ang tatlo katao at kaukausap n~g nasabi nang Tagapamahala. Ang tatlong yaon ay siyang m~ga may-ari n~g pagawaan. Magtuloy ka, Pablo, magtuloy ka ang anyaya n~g Tagapamahala sa taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan. Ipinatatawag daw po ninyo akó ang simulang wika ni Pablo nang maupo na.

Nan~gagpacpacan ang m~ga cabataan, hinagcán siya ni María Clara: ang arda ang siyang instrumentong lalong tinútugtog sa lalawigang iyon at siyang nauucol sa gayóng m~ga sandalî. ¡Cantahin mo, Victoria, "Ang canción n~g Matrimonio"! ang hinin~gi n~g m~ga iná. Tumutol ang m~ga lalaki, at si Victoriang may mainam na voces ay dumaíng na siya'y namamalat daw.

¿Mararatnan co po caya si pari Damaso sa canyang bayan? ang isinalabat ni Linares, na si pari Salvi ang kinacausap; malapit daw rito ang sabi sa akin. Aba, naririto siya n~gayon at hindi malalao't siya'y paririto, ang isinagot n~g cura.