United States or Jordan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bakit ngayon ay naglahong lahat? Hanggang libingan.... Hanggang hukay! Oh! ang mga iyan ay naglaho ng lahat! Kabulaanang lahat! Kasinungalingang lahat! Oh! ang lahat ay wala, parang bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala! Wala ng lahat, paraparang nabaon sa limot, sa ulap, sa wala.

Para ng langit na ngayo'y puno ng ulap at wala ni isa mang bituin, iyan ngayon ang waring nakikita ni Eduardo. Wala na, ang mga kaaliwan ay naglaho na sa kanyang lahat. Naglaho na sa kanyang palad ang maningning na pagasa at ngayon ay waring madilim at mga luksa ang kanyang nasisinag. Wala ng paglingap sa kanya si Leoning!

Elsa, sa dakong iyan n~ga may bagay na dapat tayong kilalanin: na ang pakikipagtalik sa babae, kung minsan, ay nagiging paglalaro n~g apoy at sa ating pagkikilala ay sinasabi ko sa iyong ako ... ay nadarang, nasalab, napaso. Dahil dito'y patawarin mo n~ga ako, at sa lahat at lahat ay pinatatawad naman kita.... Ganap nang naglaho ang tanang namamalas n~g m~ga balintataw ni Elsa.

Hindi Eduardo, lagi kitang dadalawin upang ang mga noo mo ay lagdaan ko ng halik tanda ng di ko paglimot sa iyo at pagmamahal. Leoning, layuan mo na ako, hala, wala na at hindi na mangyayaring lahat ang mga pangungusap mong iyan. Naglaho na ang lahat. Hindi Eduardo ... narito ako upang kita ay aliwin. Aliwin? Oo, Eduardo. Leoning, huwag na, huwag mo nang sa ngayon ay alalahanin pa ako.

Ang pagsisikap niyang yaon ay dahil lamang sa kanyang mutya, dahil sa kay Leoning na kanyang puputungan sa noo ng laurel ng dangal, datapuwa't ngayon ay ano ang nagbabala sa kanyang palad? Ano kaya? Isang ulap lamang. Isang ulap nga, at naglaho lamang ang lahat! Ang lahat! Oo, ang lahat ay wala na, wala na siyang pagasa sapagka't si Leoning ay hindi na niya maalaman kung bakit lumimot.

Pawang mga masasaklap lamang na pangarapin ang kanyang naging kapalaran. Wala na ang dating mga pagngiti sa kanya ni Leoning. Naglaho ng lahat! Madalas ngayon, ang kanyang katawan ay nalulungkot, waring lagi ng matamlay at paminsanminsang nagbubuntunghininga na lamang. Maminsanminsan ay masabi sa sariling: ¡Ay! Leoning! dahil sa iyo, dahil sa sumpa mong nilimot sa aba ko, ay wala na ang lahat.

Wala na, oo wala na at natulad na lamang sa araw na nilamon ng ulap. Ang kanyang pagasa ay naglaho rin, kinain ng laho, sinakmal ng dilim. Ay! Eduardo! Tapos ng lahat ang kaligayahan ng iyong puso. Wala na si Leoning at hinding hindi mo na makakaulayaw.

Para ba kay Eduardo ay naglaho nang lahat ang kaligayahan ng kanyang buhay sa ngayon. Wala ng natira kundi pawang mga pangarap na lamang ng mga dumaan. Wala, wala na yata at sadyang hindi na magbabalik ang lahat. Para kay Eduardo ay pawang kapaitan lamang sa buhay ngayon ang naging palad niya. Wala na!

Waring nasiyahan pa ang kanyang puso pagka't naglaho na sa kanyang pangmalas ang asawang kanyang isinumpa.

Bakit parang kasing bilis ng kidlat na naglaho? Nasaan ang kanyang dating paglingap kay Leoning? Nilimot na kaya niyang lahat? Datidati nga naman agad siyang sinasagot ni Eduardo. Datapuwa't ngayon? Oh! parang ulap ang pagasang siya'y makatanggap ng sulat mula kay Eduardo. Bakit sa apat niyang liham ay wala siyang natatamong kahit isang sagot? Kahabaghabag na Leoning!

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap