United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa kanyang loob ay sarisaring gunita at pagiisip ang naghahari, waring mga kimpal ng ulap at ang masamang lusak ng kapalaran ang nagi niyang palad.

Ang tadhana ay waring nagaanyaya sa kanya sa isang dako upang sayurin niya ang kadalisayan n~g pagibig ni Elsa, hindi siya dapat magmalaking huwag magpakundan~gan sa anyayang iyan.

Sino itong ngayo'y waring isisigaw ang kanyang nagawang pagkakasala? At, nagsalita na waring inubos ang lakas: Sukab! Sukab! Na, ang salitang itong malakas ang waring nanoot sa mga pandinig ng ilan. Narinig ng dalawang sekreta, kaya't sa bahaging pinanggalingan ng hiyaw ay daglian agad na pinatunguhan ng dalawang kawal ng maykapangyarihan. Sukab na asawa!

Turan mo, Magdalena. Ang "kualta," ang "ginto." Hindi nakakibo sa gayon si Ernesto, at ang pagkatao'y waring lumayo sa kaniya, ng saglit. ¿Di ba totoo Ernesto na kung sa iyo mangyayari ang gayon, kung ikaw ay magkaka asawa ng isang marunong umibig, ay gagantihin mo naman ng pag-ibig din? ang dugtong ni Magdalena.

Halagang isang copang sorbetes, Ah, gungong, iyang pagka Bakokoy mo na malapit-lapit kang maging bakoko, pang-ulam sa mahal na araw; piniral ni Kamagong sa tain~ga't sinabing dingin mo itong sasabihin: ¿Iniibig mo ba ang iyong bayan? Hangang huling tibok n~g aking hinin~ga, ang tugón ni Bakokoy na waring nagmamalaki. Kung iniibig mong gaya n~g iyong sabi, ani Tenteng, palilinawan kitá.

Subali't ang sagot n~g irog at buhay, sa aking pag-luhog ay sadyang hindi pa binabagong lubos, waring inu-uri ang aking pag-irog... N~guni't kaylan kaya sa kanya'y papanaw ang ulap n~g isang wari'y alinlan~gan? at sa akin kaya'y kaylan mabubuksan ang pintong may susing katumbas n~g buhay.

Payat na payat si Kadiliman dahil sa siya'y nagkaroon n~g sakit magmula n~g mapagkaalaman ang kabulukan n~g kanyang pusô, hindi napagkakatulog ang kahabag-habag dahil sa ubo, kaya't ang palaging ta~gurî niya ay ganito: ¡Ay! sasasalin n~g ubo; ubo, ubo, ub ... ¡ay! pag hindi ako ang naging Consejal mabuti pang ako'y namamatay na, sasasalin na naman n~g ubo; ubo, ubo ... ub ... mananaghoy na naman n~g ... bulok na ang aking puso sa kinakakain n~g hindi ko dugo, ¡m~ga ingitero! ang pan~gapós na buntong hinin~ga kung hindi ninyo sinulsulan pehong pehong ako ang Consejal ; n~gayon hindi ko maalaman ang mangyayari; hindi pa halos natatapos ang m~ga salitang ito ay siyang pagdating nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na nagpapanan~gisan, niyakap ni Bakokoy si Kadiliman at ganitó ang wika: kahabag-habag ka Kadiliman, hindi ikaw ang lumabás na Consejal naháhalata na pala n~g tanan, na inuulol mo kami; hagulgulang umaatikabo n~g iyák ang tatlo nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô, n~g marinig ni Kadiliman ang pananambitan n~g kanyang m~ga inuulol, nagnin~gas ang matá na waring nanunulig, sinasal n~g sunodsunod na ubo; ubo ... ubo ... ubo ... ub ... biglang napahiga at nawalan n~g diwa na waring naghimatay; sigaw doon sigaw dito ang m~ga kampon niya, asawa't m~ga anak, walang isinisigaw kundi: ilaw, ilaw, ilaw upang magliwanag.

Kaya't dalawang binatang waring lubos na nasasabik makasayaw si Leoning ang naguusap ukol sa binibini. Kung ako lamang ay magkakapalad na makasayaw sa dalagang yaon ay kay palad ko na. Ako man ang sambot naman ng kausap. Napakaganda kung kumilos, ano hindi ba? Oh! kilos ba lamang? Pati mga titig niya ay lubos ng makabaliw sa isang puso.

Nang makita niyang ang tinamaan ay ang kulang palad na binata, pagdaka'y iniurong ang rebolber at parang walang ano man. Datapuwa't kailangang siya ay magsabi ng totoo. Kailangan! Kailangan nga sapagka't ang mga maykapangyarihan ay nagsikilos. Bagama't ang kanyang budhing nagkasala ay nanahimik na sandali ay muli ba waring pinagharian din ng poot pa ang loob. At bakit? Sino ang taong iyon?

Bago pa naman umalis ang nagsusukab na asawa ay nagiiwan pa sa kanya ng mga halik sa noo, ang mga maamong mata ay mapungay na itititig sa kanya, ngingitian siyang waring nagaalay ng pagmamahal na lubos namang lalong nasasabik ang kanyang puso. Kadalasang bago manaog ng tahanan ay sinasabi sa kanyang: Hanggang sa muli, hanggang mamaya, Daniel. Ako lamang ay pupunta sa kina Fely.