United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Oh! palad ... sa pagkarinig niya noon ay waring nagsiklab ang tibok ng kanyang puso. Sumiklab ang kanyang dugo. Ano ang kahulugan ng lahat ng yaon? Diyata? Diyata at may ibang kaagaw siya kay Leoning? Kaya sa pagkauntol ng paghawi niya sa tabing ay kanyang hinintay ang pagtugon ng binibini datapuwa't hindi niya narinig sumagot.

30. =Anong wika ang ginagamit n~g m~ga kasapi sa "Katipunan"?= Ang tagalog; n~guni't ang kahulugan n~g ilang titik n~g abakadang kastila ay iniba sa kanilang pagsulat n~g m~ga kasulatan at gayon din sa paglagdá n~g kanilang m~ga sagisag.

Bago tayo lumakad ay ibig ko munang man~gako ka: ¿hindi mo na kaya ako lilisaning walang paalam na gaya n~g iyong ginawa noong tayo'y nakaautong magtun~go sa Luneta? Hindi naikubli ni Tirso ang isang n~giting may lihim na kahulugan, bago nakapakli.

Parang kinuha lamang sa "hulip" na ang kahulugan ay ilagay ang isang bagay sa dating kinalalagyan ng ibang nawala o nasira. Hinuhulipan o linalagyan ng mga panibagong bulubod ang gayon o ganitong bagong tanim na palay, na sinira ng agos ng tubig; at hinuhulipan din ang atip na butasbutas na at sira.

22. =At ano pa ang kanilang ginawa?= Itinatag na rin ang Tatlong Baytang n~g "Katipunan". Naitó: "Katipunan" ang pamagat n~g unang baytang. Kung nasa pulong ang m~ga kasama sa baytang na itó, ay gumagamit n~g isáng kaputsang itim na may isáng triángulo na kinalalagyan n~g m~ga titik na "Z," "Ll" at "B," na ang kahulugan ay "Anak n~g Bayan." Sila'y may m~ga hudyat na salita na pinagkakakilanlanan.

"Halos nabibihay sa habág ang dibdib". Sa iba't iba ay pawang "nabibihag" sa lugal ng "nabibihay" ang nakalagay. Na, isang tunay na kamalian. Tama ang "bihay". Sinsay ang "bihag". At ang kahulugan ng "bihay" na isang salitang lipas na ngayon ay "punit", bagama't lalong matindi sa rito. Sa ngayon ay katimbang na ng "waray".

Oo, sa pangyayaring yaon ay matila na lamang sa mga pangarap. Ang naglahong araw na di na pamuling magliliwayway ang liwanag. Ang maningning na pagasa ni Eduardo ay waring may nakabadhang ulap. Ano ang kahulugan ng lahat ng iyon? Aywan din natin. Kaya sa pagiisa ngayon ni Eduardo ay nakikita na lamang niya ay ang nagtutumulin na paglubog ng araw ng kanyang pagasa.

Sa aking pagdidilidili'y naisip kong itanong sa iyo ang kahulugan ng ipinamalas mo sa akin; nguni't aywan kung bakit at hindi ko man lamang naipahiwatig sa iyo nang tayo'y magkausap. At ... ¿naaalaala mo ba ang ating pinagusapan? Panay na kamusmusan; oo, panay na kamusmusan.

Opo, ang bawat taong mga naroon na nakikinig, nang mga sandaling yaon na binigkas niya ang talumpati ay naghabilin sa lahat ng diwa ng mga dakilang aral at mga may kahulugan at ginintuang kaisipan na namulas sa kanyang mga labi. Hindi ito isang pagkutya sa inyo G. de la Rosa.

At sa pangungusap na iyon ni Leoning na narinig ni Eduardo ng boong liwanag hindi nga yata kita palad ay waring naging subyang na mahapding tumarak sa kaibuturan ng kanyang puso. Ano ang kahulugan ng mga pangungusap na iyon ni Leoning...? Hindi raw palad.... Ang ganito ay may ibig sabihin ang lahat. Wala halos naibigkag si Eduardo kundi: ¡Ay! Leoning!